LAURENT KENT POV
"Hindi tayo pwedeng umalis ngayon, veronica. Marami pa akong naiwang pending na project sa company. Masisira ako sa investor once na iwanan ko yun." Paliwanag ko sakanya. Hininaan nya ang apoy ng gasul saka sya humarap saakin.
Pinagpatuloy ko lang ang pag hiwa ko ng bawang at sibuyas.
"Mamaya na ang engagement, paano kung malaman nila na nandito ako? Im sure they will take me away from you, lauren." Tinapos ko muna hiwain ang sibuyas saka ako nag hugas ng kamay at humarap sakanya. Lumapit ako sakanya at hinawakan sya sa kamay.
"Hindi ako papayag." Paninigurado ko sakanya. Ngumiti na sya kaya napangiti na rin ako.
Hinalikan ko sya sa noo.
" i promise you veronica na hindi mangyayari ang kinakatakot mo." Sabi ko sakanya.
Niyakap ko sya ng sobrang higpit.
"I feel safe around you, lauren."
Rinig kong sabi nya na ikinangiti ko.
"Matapos ko lang ang pending na project, i promise you na aalis tayo. Pero ngayon hindi na muna, hindi ako pwedeng masira sa investor dahil alam ko na sila ang isa sa magiging kakampi ko laban sa mga taong haharang saatin, veronica." Ngumiti ako.
"I understand you, lauren." Kumalas ito sa yakap ko.
"I believe in you." Hinalikan ko sya ng peck sa labi.
"I love you." Ngumiti sya.
"I love you more."
•
Pag dating ko sa opisina si daddy ang nadatnan ko na nakaupo sa sofa.
Pinaseryoso ko ang mukha ko bago pa sya tumingin saakin. Tumayo sya at hinarap ako.
Ang seryoso nya.
"Tell me." Panimula nya. Namulsa rin sya.
"Where did you hide her, lauren." Naglakad ako papunta sa table ko.
"Hindi ako hanapan ng nawawalang tao." Seryosong sagot ko bago umupo. Kinuha ko rin ang isang folder at binuklat ito.
Isa ito sa mga project propasal ng client na kailangan kong asikasohin. Kailangan ko na itong matapos sa lalong madaling panahon. Ang iba nga kailangan ko ng e declined. Total hindi pa naman nakakarating ito sa board.
"Oh come on lauren. Alam ko na ikaw ang unang taong pupuntahan ni veronica."
"Wala nga sya saakin daddy." Pagsisinungaling ko.
"Oras na malaman ni wilson na ikaw ang nagtago sa anak nya, mapapasama tayo sakanya. Malaking tao sa wilson."
Sinara ko ang folder at seryosong hinarap sya.
"mamaya nakatakda ang engagement party lauren, kaya ibalik mo na si veronica. Mapapahiya ang ang pamilya natin sa mga ka susyo natin."
"Bakit ba masyado kayong nag rerely sa ibang tao daddy? Ang hilig nyo sa validation ng tao. Bakit?"
Kumamot ito sa kilay nya.
"Parehas lang tayo, lauren."
"No." Umiling ako
"Yung saakin it comes naturally. They praised me because im good. Pinatuyan ko na ang sarili ko sa mga tao na kahit makita nila ang pangit kong ugali they still praise me dahil magaling ako sa larangan ng mundo nila." Tumayo ako.
"E ikaw daddy? Kaya ka nandito ngayon ay dahil sa mahilig kang sumunod sakanila. Sunod sunoran ka para mapanatili mong maayos ang pangalan mo." Sabi ko sakanya.
"Kung tutuosin hindi mo naman kailangang sumunod sakanila, hindi mo kailangang maging mabuti sa mata nila, dahil kung totoong magaling ka wala kang pakialam sakanila dahil alam mong hahabulin ka nila. Business is business. pera ang kailangan nila hindi ang good personality mo. At kung meron man, bunos na lang yun."
