"Daddy?" Banggit ko sa pangalan ni daddy ng makita ko sila ni mommy sa harapan ko paglabas namin ng boutique.
May kasama silang dalawang bodyguard.
Mahigpit na hinawakan ko ang kamay ni bethany at alam kong ganon rin ang ginawa ni lauren kay uno.
"Who are they mommy?" Tanong saamin ni uno.
Napatingin rin ang mga magulang ko sa dalawang bata. Nakita ko na biglang nag bago ang exression nilang dalawa pagkakita sa dalawang bata.
"My parents." Sagot ko sa dalawa.
Napalunok ako. Agad na bumitaw saakin si bethany at tumakbo papunta sakanilang dalawa sumunod rin sakanya si uno. Gusto pa sana sundan ni lauren, pero hinawakan ko sya sa kamay kaya napatingin sya saakin.
"Its okey." Bulong ko sakanya. Tumango ito pero ramdam ko na kinakabahan sya. Kahit ako hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko.
Lumuhod si mommy para salubungin ang dalawang bata. Agad na yumakap ang dalawa kay mommy.
Yinakap rin naman sila ni mommy.
Nagulat ako ng makita ko na bigla na lang umiyak si mommy habang yakap yakap ang dalawang bata.
"Lolo." Tawag ni uno kay daddy na nakatayo pa rin.
Yumuko si daddy para tignan ang dalawang bata. Maya maya pa ay lumuhod rin ito para pantayan ang dalawa.
Napahinga ako ng maluwag ng yakapin ni daddy ang dalawa.
"Ang lalaki nyo na" rinig kong sabi ni mommy habang nakatingin sa dalawang bata.
Maya maya ay tumayo si mommy at lumapit saakin.
Tuluyan na akong naiyak ng yakapin nya ako.
"Its been a long time, veronica."
Rinig kong sabi nya habang nakayakap saakin.
"How are you?"
"Im doing good mom, sobrang saya ko." Sabi ko sakanya.
"Im so happy to hear that."
Kumalas na ito saakin.
Hinawakan nya ako sa pisngi at pinunas ang luha ko.
"I was so happy na nakatakas ka noon."
Ngumiti sya saakin.
"Are you guys staying here for good?"
Tanong ni mommy saamin. Tumingin sya kay lauren at hinaplos ito sa braso kaya napansin ko ang pagka relieve nya.
"Maybe po." Natawa si mommy, kaya nagtaka si lauren.
"Call me mommy, lauren." Napangiti ako sa sinabi ni mommy. kahit si lauren, halatang nagulat rin sa sinabi ni mommy.
Tinatanggap na ba nila kami?
Okey na na talaga sila saamin ni lauren?
"I hope you stay here for good na." Ngumiti si mommy.
Tumingin kami kay daddy na kinakausap ang dalawang bata. Halatang nag eenjoy ito sa pakikipag usap sa dalawang bata na andami daming kwento.
Napakabibo ng mga anak namin ni lauren, kaya tuwang tuwa sakanila si daddy.
"How old are they?" Tanong ni mommy saamin.
"Uno is 5 years old, but hes turning 6, next week. Thats the reason why we cameback here. We want to celebrate his birthday with you." Sabi ko sakanila.
"Bethany is 4 years old, 8 months from now shes turning 5." Ngumiti si mommy.
"What a lovely name." Sabi nya.
"We are so happy that dispite of all the things we did to both of you, pinili nyo pa ring ipakilala kami sa dalawang bata."
"Kayo pa rin ang magulang ko, at kayo pa rin ang lolo at lola ng dalawang bata, mommy." Sabi ko sakanya. "Kalimutan na natin ang lahat ng nakaraan. We are in the present now, lets all move forward."
"Si adam? Nakita na ba nya si uno?"
Tanong nya saamin.
"Palagi syang nagtatanong saamin if may balita na kami sa inyo." Sabi nya.
"Dont worry, hes happily married now, with one kids. Gusto nya lang makita at makilala ang bata."
Sabi nya.
"Actually isa rin sya sa dahilan kung bakit kami bumalik ng pilipinas. Gusto syang makilala ni uno. Hindi namin ipinagkait sakanya na makilala ng anak nya. Balak namin syang ipakilala kay uno sa birthday nya, kaya wag nyo sanang sasabihin sakanya na nakita nyo kami."
"Okey."
"Saan nyo gusto kumain?"
Napatingin kami kay daddy at sa dalawang bata na naglalakad palapit saamin. Hawak ni daddy ang kamay ng dalawang bata.
"Jollibee lolo."
"Okey."
"Dad, hindi namin sila pinapakain sa fastfood. Its not healthy."
Pigil ko sakanya.
"Did you hear that?"
"But lolo."
"No kids." Saway sakanila ni lauren.
"Okey mommy." Wala ng nagawa ang dalawang bata.
Sila mommy na ang pumili ng kakainan namin at isang filipino restaurant ang napili nilang kainan namin para matikman din daw ng mga bata ang filipino cuisine.
Adobo, sinigang, at nilaga ang inorder ng dalawang bata.
"Dito na ba kayo titira?" Tanong ni daddy sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"Maybe daddy. pagnaaddapt nila ang culture dito, baka dito na kami tumira."
"We want to live here mommy. Everyone is here." Sabat ni uno.
"Lets see uno."
"Okey mommy."
Ang bilis talaga kausap nito.
"So are you married?" Tanong ni daddy habang nakatingin sa kamay namin ni lauren.
"Yes. 6 years married already, and we are so happy." Nakangiting sabi ko.
"Thats good."
"Saan kayo tumira?" Tanong ni mom, habang pinagsasandok ng pagkain ang dalawa.
"Europe." Yun ang sinagot ko sakanila. Ayaw ko kasing sabihin sakanila ang esaktong bansa namin maganda na ang sigurado.
"Thats too far."
"kamusta kayo?" Tanong ko pabalik sakanila. Hindi ko kasi sila nakamusta simula kanina.
"Were good."
"How about the family business?"
"Maayos pa rin, sakto lang rin ang balik mo dahil balak ko ng ipasa sayo ang company. Tumatanda na kami ng mommy mo at balak na namin mag retire."
"Dad huwag muna ngayon, bata pa ang mga anak namin ni lauren, kailangan pa nila mabantayan ng maayos. Lalo ngayon na malapit ng mag aral si uno."
Sabi ko sakanila.
"Alright." Pagsuko nya.
"Maybe 5 years from now, you can handle the company."
"Yeah, give me 5 years."
"Okey." Sabi nya.
"Thank you for taking care of my daughter and grandchild, lauren." Sabi ni dad kay lauren, na ikinaangat ng tingin ni lauren.
"And im sorry for everything that i did in the past."
"I really love your daughter." Ngumiti si lauren
"simula nung tinanggap ko sa sarili ko na mahal ko ang anak nyo, pinangako ko na sa sarili ko na aalagaan at mamahalin ko sya at ang magiging pamilya namin ng higit pa sa buhay ko."
Tumingin saakin si lauren kaya nginitian ko sya. Tumingin ulit sya sa mga magulang ko.
"And kalimutan na po natin ang nakaraan, matagal na namin kayong napatawad. Ang importante ay magkaayos tayo at mamuhay ng masaya, dahil yun lang naman ang gusto namin ni veronica. Maging maayos ang lahat kahit para sa mga bata lang." Tumango si daddy.
"Ayaw namin silang lumaki sa magulong pamilya kaya ginagawa namin ito ni veronica."
"Thank you for giving us a chance i promise na magiging maayos ang lahat, lauren and veronica."
••
