010•

8.7K 211 24
                                        

LAURENT KENT POV:

Busy ako sa panonood ng bigla nalang may humiga sa tabi ko. Napausog ako para mas maging maayos ang pwesto nya. Kinuha nya rin ang kamay ko at niyakap nya sa katawan nya.

"Hindi ka aalis?" Tanong nya saakin.

"Nope, balak ko magpahinga ngayon."

"What is the name of the movie?"
Tanong nya saakin.

"Queen of tears."

"Maganda?" Tanong nya.

"Hindi masyado."
Sagot ko.

"Hindi? Pero bakit mo pinapanood?"

"Crush ko si kim soo hyun e." Sabi ko sakanya.

"Ang hilig mo sa lalake. Andami mong kasama palagi." Inis na sabi nya.

"Thats the perks of being single." Sabi ko sakanya.
"Aww." Kinurot ba naman ako sa kamay.

"Im being serious here. Please stop joking around." Inis na sabi nya saakin.

"Seryoso rin naman ako. Totoo naman diba? Pag single ka kahit sino pwede mong edate kasi wala naman magagalit. Walang nagmamay-ari saakin." Sabi ko sakanya. Akma na naman sana syang aalis kaya niyakap ko sya ng mahigpit.
"Dito ka lang, nag uusap pa tayo diba?"
Sabi ko sakanya. Hindi na rin sya nag pumiglas pa.

"Hindi rin naman maganda na kahit sino sinong lalake na lang, lauren. Pwede kang magkasakit."

"Hindi sila kung sino sino. Katulad mo rin sila, mayayaman at maiingat. Pero pag merong taong dumating na magpapatibok ng puso ko magbabago na ako, pero for now ito lang ang kaligayahan ko at libangan ko para mawala ang stress ko."
Sabi ko sakanya. Napansin ko ang pananahimik nya.

"Si adam? Si adam ba?"

"Yes, sya ang punot dulo ng stress ko." Pag amin ko sakanya, alam nya rin naman iyon, dahil simula nung dumating sila sa bahay na to ay palagi kaming magkalaban ni adam.

"I see."

"Ikaw? Paano mo natitiis ang kayabangan ni adam?"
Tanong ko sakanya.

"Hindi sya mayabang. Maybe yes, mayabang sya, pero pag ikaw lang ang kaharap nya. Tyaka ikaw rin naman, parehas kayong mayabang sa isat isa." Sabi nya.

"At least ako merong ipagyayabang, e yang fiance mo?" Tanong ko sakanya.

"Sa tagal ng panahon na kasama ko si adam, napatunayan na nya saakin na magaling sya, hes good. Hes good at everything. hindi lang sya nabigyan ng chance patunayan ang sarili nya."
Sabi nya.

"Fiance mo sya, e. Natural ganyan ang sasabihin mo." Sabi ko sakanya. Tinangal ko na ang pagkakayakap ko sakanya saka umupo. Pinatay ko na rin ang tv.  "Tyaka kung magaling sya bakit kailangang back upan mo sya lagi sa kapalpakan nya? Kung magaling sya kaya nya yung mag isa." Sabi ko.
"Alam mo hindi mo namang kailangang sabihin yan para ipaalam saakin na magaling si adam, sya dapat ang nagpapatunay nun, pero wala e, wala naman kasi syang ipapakita saakin na tumutugma dyan sa sinasabi mo." Sabi ko sakanya saka ako tumayo.
Umupo na rin sya at hinawakan ako sa kamay pero agad ko rin iyong binawi.
"Aalis ako, at hindi ako uuwi mamaya." Sabi ko sakanya.

My Rival's FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon