Pagkaalis nila tita and adam agad akong umakyat para puntahan sa kwarto si lauren.
Napapikit ako dahil naka lock ang kwarto nya.
Kanina pa kasi ako nag aalala sakanya kaya naman grabe ang pasalamat ko na nagpahatid si tita kay adam sa flower shop nito.
"LAUREN" nag aalalang tawag ko sakanya pero walang sumasagot. Nakailang katok na rin ako pero wala pa rin talaga.
"MANANG LYDIA." Malakas na tawag ko kay manang lydia. Sya kasi ang may hawak ng mga spare key ng mga kwarto dito sa bahay. Ilang sigundo nakita ko na ito na paakyat ng hagdan.
"Maam veronica." Tawag nya saakin pag akyat ko.
"Give me the spare key." Sabi ko sakanya.
Mabilis na kinapa nya naman ito sa bulsa ng damit nya saka inabot saakin.
Tuluyan ko na ngang nabuksan ang pinto ng kwarto nya. Binalik ko kay manang ang susi saka ko sya pinaalis.
Pagkaalis nya tuluyan na akong pumasok sa kwarto ni lauren. Napaka dilim patay ang ilaw at nakasarado ang mga kurtina nyang makakapal.
Hapon pa lang pero dahil nga makapal ang kurtina nya kaya walang pumapasok na sinag ng araw.
Kinapa ko ang switch ng ilaw saka ko ito binuksan.
Bumungad saakin ang magulong kwarto ni lauren.
Ang mga gamit nya sa table ay nag kalat sa sahig, may mga buti rin ng wine, ang ibang unan ay nag kalat rin sa kung saan saang sulok ng kwarto.
Napalunok ako bago ko hinanap si lauren, wala kasi ito sa kama nya. Nag lakad ako papunta sakabilang side ng kama pero wala sya doon.
Agad akong kinabahan ng makita ko na may dugo sa sahig.
"Oh god." Kinakabahang bulong ko.
Mabilis akong pumunta sa bathroom nya.
Pag bukas ko yung kabang nararamdaman ko kanina agad na nadagdagan ng makita ko si lauren sa bathtub. tulala habang nasa ilalim ng shower.
Pansin ko rin ang namamaga at ang pasa nya sa pisngi, may sugat rin sya sa may labi.
Walang pagdadalawang isip na lumapit ako sakanya. Agad naman akong binalot ng lamig na nanggagaling sa shower.
Ramdam ko na rin ang luha ko.
"Lauren." Umiiyak na tawag ko sakanya pero hindi nya man lang ako magawang lingonin. Nakatulala pa rin sya na parang walang pakialam sa paligid nya.
"Lauren." Niyogyog ko ang balikat nya.
Pinatay ko na rin ang shower dahil nanginginig na ako sa lamig ng tubig na nanggagaling dito.
Shet paano nya nakayanan ang ganitong kalamig na tubig?
"Lauren" muli kong tawag sakanya. Tinapik ko rin ang pisngi nya. Lumuhod na rin ako sa harapan nya para makita nya ako pero wala talaga.
"Tell me, whats wrong?" Umiiyak na tanong ko sakanya habang nakahawak ako sa dalawang pisngi nya at bahagyang hinahaplos ang pisngi nya na namamaga.
"A-ang sakit s-sakit.. veronica." Para akong binagsakan ng lupa ng makita ko na umiyak sya ng malakas. Hinawakan nya ang kamay ko para alisin sa pisngi nya.
"Paano na veronica?" Ano bang sinasabi nya? May alam na ba sya?
"Hindi ko na alam ang gagawin ko veronica." Yumuko sya at tahimik na umiyak.
"I-i know e-everything." Hirap na hirap na sabi nya. That it. I think alam na talaga nya.
"A-ang s-sakit." Muli ko syang hinawakan sa pisngi at pinaharap saakin. Tinitigan ko sya at ganoon rin sya saakin.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Masasaktan sya oras na malaman nya ang about sa pagbubuntis ko.
"Listen to me, okey?"
Umiiyak na sabi ko sakanya. Pinunas ko ang luha nya.
""Adam and I are not married yet, Lauren. I have no plan of marrying him, Lauren.
You'll still accept me, won't you?"
Tanong ko sakanya. Tumango tango ako para kumbinsihin sya pero yumuko lang sya at umiling na ikinaiyak ko lalo.
"I can't do what you want, veronica."
Umiiling na sabi nya. Tuluyan na akong napaupo sa bathtub
"You know me. you know why I hate Adam. he and his mother destroyed my family, veronica."
Kinulong ko ang mukha ko sa kamay ko.
"Yes, I am angry with Adam, pero hindi sa magiging anak nyo, because they has done nothing wrong with me, Veronica." Pinunas ko ang luha ko bago ako lumingon sakanya. Nanatiling nakayuko pa rin sya habang umiiyak.
Ang sakit sa pakiramdam na dahil sa nangyari ay tuluyan na syang mawawala saakin.
At napaka hirap tanggapin.
"I d-don't love adam anymore, lauren. T-there is no reason for me to marry him."
Umiiyak na sabi ko.
Hindi ko kayang pakasalan si adam. Hindi ko na sya mahal. magiging toxic lang kung itutuloy ko pa na pakasalan sya.
"You dont love him?" Lumingon ako sakanya.
"Kung hindi mo na sya mahal bakit nagpabuntis ka sakanya? May nangyayari sainyo veronica, tapos sasabihin mo saakin hindi mo sya mahal?" Umiiyak na tanong nya. Inangat na rin nya ang paningin nya saakin.
"Yun yung araw na naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko, lauren."
"Fuckshit, veronica." Napapitlag ako dahil sa galit ma boses nya "did you just had sex with him the day I went to Adam's office to confront him about stealing money from the company?" Tanong nya saakin. Yun yung nadatnan nya ako sa ibabaw ng mesa ni adam. And yes we had sex that day pero hindi yun bukal sa loob ko, ginagawa ko yun dahil patuloy ko pa ring pinaniniwala ang sarili ko na baka may pag asa pang mawala yung nararamdaman ko kay lauren, dahil natatakot ako sa mga sasabihin ng tao. Pero kahit anong pilit ko wala talagang nagbago sa nararamdaman ko para kay lauren. Tinanggap ko lang ang lahat dahil hindi ko na kakayanan ang selos ko sa mga taong lumalapit sakanya. Lalo na yung stephen na yun na dikit nang dikit kay lauren.
"I was just afraid, lauren. Natatakot lang ako sa sasabihin ng tao kaya ko yun ginawa dahil akala ko mababago nun ang nararamdaman ko para sayo. Pero walang nangyari. Im sorry kung duwag ako." Lumuhod ulit ako at hinawakan sya sa pisngi nya.
"Pero kaya ko na ngayon. Umalis tayong dalawa, at magpakalayo layo sa lahat ng tao. Come with me please."
Pagmamakaawa ko sakanya pero muli syang umiling.
Tuluyan na akong nanghina. Muli na namang nag unahan ang luha ko sa pag landas.
"Kaya kong gawin yan kung hindi ka buntis, veronica." Hinawakan nya ako sa kamay.
"Pero sa sitwasyon natin ngayon, hindi ko magagawa ang gusto mo veronica. Ayaw kong maging dahilan para masira ang pamilya ng batang dinadala mo." Hinawakan nya ako sa pisngi at pinaharap sakanya.
Umiling ako sakanya.
"Masakit man ito saakin, pero kailangan ko itong gawin." Hinalikan nya ako sa noo.
"Itigil na natin to." Huling sabi nya bago tumayo.
Napahagulgol ako.
"L-lauren." Garalgal ang boses na tawag ko sakanya.
Hinawakan ko rin ang kamay nya pero tinanggal nya lang ito saka bumaba ng bathtub.
"D-dont do this to me please." Umiiyak na sabi ko.
"Im sorry veronica if i have to do this." Tuluyan na syang nakalabas ng banyo.
Malakas akong napahagulhol.
•••
