"Lauren."
Tawag saakin ni veronica pagkababa ko ng kotse ko. Natigil ako saglit pero agad rin akong naglakad at nilampasan sya. Agad syang humabol saakin.
"Akala ko ba mahal mo ako, bakit hindi mo ako maintindihan?"
Naiiyak na tanong nya
"Mahirap rin saakin ito, lauren." Tuluyan na akong tumigil dahil sa huling sinabi nya.
Humarap ako sakanya.
"Hindi ka mahihirapan mag desisyon kung talagang totoo ang nararamdaman mo saakin veronica." Naiinis na sabi ko sakanya. Tumingin sya saakin.
"Hindi madaling gawin ang gusto mo, lauren. Oo mahal kita pero naging importante rin saakin si adam. Hindi madali saakin na saktan sya." Tuluyan na akong naiyak sa sinabi nya.
"At ako? Hindi ba ako importante sayo? Sinasaktan mo rin ako, veronica." Pinunas ko ang luha ko
"Veronica, sana maintindihan mo rin ang nararamdaman ko." Lumapit ako sakanya
"Habang palapit nang palapit ang araw ng engagement at kasal nyo ni adam mas lalo akong nahihirapan. Hindi ko kakayanin veronica." Sabi ko sakanya.
"Lawyer ka, alam mo na mas lalong magiging mali kung ipagpapatuloy natin ang relasyon natin oras na ikasal ka na kay adam. Alam mo na hindi mag dadalawang isip si adam na ipakulong ako veronica."
Sabi ko sakanya. Tumalikod na ulit ako.
"Lauren."
"Veronica, oras na makasal ka kay adam, we're over. At hinding hindi mo na ako makikita kahit kailan." Yun na lang ang nasabi ko bago ako naglakad palayo sakanya.
Alam ko na masasaktan ako oras na hindi ako ang piliin nya pero kailangan nya ng mamili saamin ni adam. Dahil hindi madali ang magiging sitwasyon namin oras na tuluyan na syang matali kay adam.
Galit saakin si adam at alam ko na gagamitin nya ang sitwasyon namin ni veronica para pahirapan ako.
At hindi ko hahayaang mangyari yun.
Mahal ko sya pero mas mahal ko ang sarili ko.
"Maa-"
"Kukunin ko sayo mamaya." Putol ko sa sasabihin ni lara saakin. Wala ako sa mood makipag usap sa ngayon.
Mas gusto kong mapag isa.
•
"Inis tayong tatlo kay adam pero pag dating kay veronica mahirap rin nga naman magdesisyon. Tandaan mo lauren na bago ka minahal ni veronica nauna nyang minahal si adam, kaya normal lang na masaktan at mahirapan sya mag desisyon sa gagawin nya." Si zies.
"Dapat inaasahan mo na yan."
Sabi nya. Napakamot ako sa ulo ko.
"Ginagawa ko lang naman ito dahil alam kong mas mahihirapan kami pag kinasal na sya. Alam ko na nahihirapan sya pero kailangan nya ng mag desisyon ngayon habang may oras pa sya."
Sabi ko sakanilang dalawa.
"Well may point ka rin naman."
Si cassandra.
Nilagok ko ang isang shots ng tiquilla. Nag salin ulit ako at inisang lagok ulit.
"Handa ka na ba sa sasabihin ng tao oras na ikaw ang piliin ni veronica?" Tanong saakin ni cassandra.
"Kasi for sure na maraming magagalit sayo. Including tito miguel. Alam mo naman na paborito nun si adam." Inayos ko ang buhok ko.
"Handa na ako. Handa na akong bitawan ang company para kay veronica." Sabi ko sakanila.
Alam ko naman na magagalit si daddy saakin kaya hinanda ko na ang sarili ko simula nung umamin ako kay veronica.
"Sure ako na isa pa ang family ni veronica sa iniisip nya. Botong boto yun kay adam kaya alam ko na pati ang family nya ay iniisip nya pa. Poor veronica." Umiiling na sabi ni zies saka uminom ng alak.
Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ng tumunog ito
May text si daddy.
"umuwi ka ngayon, may paguusapan tayo."
Napakunot ako ng noo sa nabasa ko na text ni daddy. Kinuha ko ang bag ko.
"Saan ka? Uuwi ka na?" Tanong ni cassandra.
"Pinapauwi ako ni daddy, may sasabihin daw." Tumayo na rin sila at sabay sabay na kaming lumabas ng bar.
Pagdating namin sa parking hinalikan namin ang isat isa bago kami naghiwa hiwalay.
Habang nasa byahe hindi ko maiwasang isipin kung ano ang sasabihin saakin ni daddy. Ito kasi ang unang beses na pinauwi nya ako para may pag usapan. Mostly kasi sa opisina ko sya pumupunta para sabihin ang mga kailangan nyang sabihin saakin.
Pagdating ko sa mansion sinalubong ako ni manang lydia.
"Sa office daw po kayo ni sir miguel dumeretso." Sabi nya saakin. Tumango ako sakanya bago ako umakyat sa hagdan. Hindi na muna ako pumunta sa kwarto ko.
"Dad." Tawag ko sakanya.
Seryoso itong lumingon saakin kaya hindi ko maiwasang mapalunok.
Tumayo ito at pinaharap saakin ang laptop nya.
Nakaramdam ako ng kaba ng makita ko kung ano ang video na nakaplay doon.
Yung kaninang paguusap namin ni veronica.
Kuha ito mula sa may madilim na part ng parking.
"Anong ibig sabihin nito lauren?" Tanong saakin ni dad gamit ang boses nyang seryoso. Mababakas rin ang galit sa boses nya.
Sunod sunod ang paglunok ko ng lumapit ito saakin, inaasahan ko na sasampalin nya ako paglapit nya pero hindi iyon nangyari.
"May relasyon kayo ni veronica?" Tanong nya ulit saakin. "Nasisiraan ka na ba ng bait lauren na pati ang fiance ng kapatid mo ay nagawa mong landiin?"
"Mahal ko si veronica dad." Pag amin ko. Wala na rin namang rason para magdeny dahil huling huli na nya kami.
"Thats bullshit." Napapikit ako dahil tuluyan na nga itong nagalit. "Nasisiraan ka na talaga. Alam mo ba ang ginagawa mo? Fiance sya ni adam at ilang linggo na lang ikakasal na sila."
"E anong magagawa ko? Hindi ko naman mapipigilan ang nararamdaman ko dadd-"
Halos humiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko dahil sa lakas ng sampal nya saakin.
Nag unahang lumandas ang luha ko sa pisngi ko. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng pagkakasampal saakin ni daddy.
"Imoral ka lauren. Hindi ako makapaniwala na magagawa mo ito. Ganoon na ba ang galit mo kay adam para kuhain mo ang lahat sakanya pati si veronica?" Galit na tanong nya.
"Layuan mo si veronica lauren. Tigilan mo ang kahibangan mo. Ikakasal na sila."
"Mahal ko si veronica at mahal nya rin ako daddy, ipaglalaban ko sya kahit kapalit pa non ang lahat." Umiiyak na sabi ko.
"I cant believe you lauren." Umiiling na sabi ni dad.
"Grabe grabe ang kahihiyang maidudulot nito sa lahat. Alam ng lahat na ikakasal na sila at oras na hindi yun matuloy dahil sayo magigi tayong katatawanan."
Sabi nya saakin. Naglakad na sya paalis at bago pa sya makalabas may sinabi pa sya na mas lalong makakawindang sa buong pagkatao ko.
"Shes pregnant, lauren. Please lang huwag mong sisirain ang pamilya na bubuohin nila."
Pagkalabas ni daddy halos manghina ang mga tuhod ko dahil sa huli nyang sinabi.
Napaluhod ako sa sahig at doon patuloy na umiyak.
Namamanhid ang buong katawan ko dahil sa halo halong sakit na nararamdaman ko.
••
