032•

8.5K 186 8
                                        



"Meron na akong nakausap na condo staff sa condo. sasabay ka na lalabas sa uwian ng mga staff bukas ng gabi."

"Kotse ko pa rin ang gagamitin ko? Kasi kung oo natural saakin pa rin ang attention nila." Sabi ko kay cassandra.

"Tanga, hindi." Sinamaan ko syang ng tingin
"Natural Sasakay ka sa isa sa condo staff." Binuklat nya ang map na hawak nya.
"Ihahatid ka nya sa lugar na to" tinuro nya ang isang condominium
"at sa parking ng condo na to, may naghihintay sayong black van na maghahatid sayo kay veronica."
Tumango ako sakanya.

"Ilang araw ka ba dun?" Tanong saakin ni zies.

"Hindi na ako babalik." Sabi ko sakanila.
"Kasi kung mawawala ako ng ilang araw, magtataka na talaga si dad ng tuluyan at kung babalik ako baka don na nila matunton si veronica." Sabi ko sakanila.
"Next week aalis kami ni veronica papuntang japan. Habang hindi pa nila nasasagawa ang plano nilang pag national tv."

Nagtataka ako. Isang linggo na ang lumipas simula nung marinig ko sila na may balak silang mag national tv pero wala pa rin hanggang ngayon. Siguro hinaharang ni daddy ang plano ni tito wilson para protektahan ang anak nyang si adam at ang sarili nya na huwag mapahiya sa publiko. Once kasi na masapubliko si adam, ay baka mahalungkat ng mga tao na si adam ay isang bastardo nya.

"Mabuti nga at hindi pa nila nagagawa iyon, dahil kung hindi mahihirapan na kayong makalabas ng bansa." Si cassandra.

"Goodluck sainyo ni veronica. Tawag lang kayo pag need nyo ng umalis, kami gagawa ng paraan para makaalis kayo." napayakap ako sa dalawa.

"T-thank you for helping me." Umiiyak na sabi ko.

"Anytime, lauren." Sabay nilang sabi saakin.
Kumalas na ako sa pagkakayakap ko sakanila at nag punas ng luha.

"Basta bukas ah? Pagdating mo sa condo, lilipat ka lang sa kotse ng condo staff. Huwag ka ng umakyat dahil baka mas mag taka pa sila."
Tumango ako kay cassandra.

"I have to go. Magaayos pa ako ng mga damit na dadalhin ko." Paalam ko sakanila.
Tumayo na rin sila, yumakap ako ng sobrang higpit sakanilang dalawa.
"Thank for everything."

"You are always welcome, lauren."
Tinapik nila ako bago ako naglakad palabas ng bahay ni zies.

Bago ako pumasok sa parking ng condo ko, napansin ko ang isang kotse na nagpark sa may kalayuan. Yun yung sumusunod saakin kanina.

Napansin ko rin ang isang lalakeng nasa loob ng starbucks dito sa baba ng condo. Mukha syang studyante na nag aaral lang pero mahahalata mo na isa sya sa tauhan ni daddy na mag bantay saakin. Palagi kasi itong nakatingin saakin pag umuuwi ako, at talagang araw araw at lagi syang nandyan.

Hindi mo masasabi na student sya dahil halos mag hapon syang nandyan. Kunwari na lang na hindi ko sila napapansin para mas lalong hindi ako nila pag dudahan.

Pag dating ko sa condo ko agad kong tinawagan si veronica para ibalita sakanya na mapupuntahan ko na sya, isang araw rin kasi kaming hindi nakapag usap dahil nga andami kong inasikaso sa company bago ako umalis.

Nakailang tawag na ako pero wala pa ring sumasagot.

Hindi na lang ako tumawag pa ulit dahil naisipan ko na suprisahin na lang sya bukas. Baka busy lang sya.

Inayos ko na Lang ang mga gamit na dadalhin ko bukas.



"Good morning, maam." Bati saakin ni lara. Ngumiti ako sakanya.

"Morning." Sabi ko bago ako pumasok sa office ko.
Pagkapatong ko ng bag sa upuan sakto namang tumunog ang phone ko.

"Lauren." Malakas at kabado ang boses ni zies sa kabilang line kaya agad akong nakaramdam ng matinding kaba.
"Nakuha na nila si veronica."
Garalgal na sabi ni zies.
"Tumawag ang doctor na tumitingin kay veronica, nadatnan nyang mga nakatali ang kasama ni veronica sa bahay at nawawala si veronica."

My Rival's FianceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon