027•

3K 88 6
                                    


                       VERONICA POV:

"Hon, nahiwa ko na ang apple."
Tumalikod ako kay adam.
Naandito pa rin kami sa hospital hanggang ngayon. Kahapon pa kami ng tanghali dito.

After umalis ni lauren kahapon sa parking ay bigla na lang ako hinimatay dahil sa sobrang stress. At nagising nga ako na nandito na sa hospital at sabi ng doctor ay 1 month pregnant ako.
Ako rin ang nagsabi kay adam na huwag ipagkalat ang nangyari saakin at ang pagiging buntis ko.

Ayaw ko na maging usapin kami ng ibang tao.

Parang mas lalo ata akong na stress dahil sa nalaman ko na buntis ako. Hindi ko na alam kung paano ito ipapaliwanag pa kay lauren. Alam ko na magagalit sya oras na malaman nya na buntis ako. At sa tuwing naiisip ko na magagalit sya ay para akong nanghihina.

"Honey" tawag ulit saakin ni adam.
Gusto ko na syang kausapin tungkol sa nararamdaman ko. Ayaw ko ng ituloy ang engagement at kasal naming dalawa pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya ang lahat.

Mahal na mahal ko si lauren, at ito ang gusto nyang mangyari kaya maghahanap ako ng tyempo.

"Gusto ko ng umuwi." Walang buhay na sabi ko sakanya. Lumuhod sya sa harapan ko. Mababakas ang lungkot sa reaction nya.

"Pakiramdam ko hindi ka masaya na nalaman mo na buntis ka? Diba ito ang gusto natin noon? Bakit iba ang pinaparamdam mo saakin ngayon?"
Ito ang rason kung bakit nahihirapan akong sabihin sakanya ang totoo kong nararamdaman. Naging mabait syang boyfriend at fiance saakin.
Noon pa man kami na ang palaging magkasamang dalawa, kami ang magkakampi sa lahat ng bagay.

Adam is my childhood friends, magkasama kami hanggang sa lumaki na kami. Matagal namin gusto ang isat isat hanggang sa dumating kami sa edad na kaya na naming dalawa at doon na kami nag lagay ng label.

Kaya sobrang hirap mag desisyon dahil alam kong masasaktan sya oras na malaman nya ang totoo.
Mahal ko pa rin sya pero hindi na kagaya ng pagmamahal ko sakanya dati.

Simula ng dumating si lauren nagbago ang nararamdaman ko sakanya.

"I-im just tired." Sabi ko sakanya bago ulit ako tumalikod sakanya. Narinig ko na huminga ito ng malalim.

Im sorry adam.

"Babayaran ko lang ang bill at uuwi na tayo." Seryosong sabi nya bago naglakad palabas ng room. Pagkalabas nya agad na bumagsak ang butil ng luha ko.

Hindi ko sya gustong saktan pero mas masasaktan ko sya kung patuloy ko syang papaasahin na okey pa kaming dalawa. Hahanap lang ako ng pagkakataon at sasabihin ko na sakanya ang totoong nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung matatanggap ba ako ni lauren habang dala dala ko itong bata na nasa sinapupunan ko na anak ng kinaiinisan nyang tao.


Tuluyan na nga kaming nakalabas ng hospital at ngayon nga ay nasa sasakyan kami at binabagtas ang daan pauwi.

hindi ko iniimik si adam kahit pa paulit ulit ako nitong kinakausap. Pagkapasok namin sa parking agad akong kinabahan ng makita ang sasakyan ni lauren sa parking.

Ang alam ko may pasok sya pero bakit nandito sya?

Sunod sunod ang paglunok ko.

"The bitch is here." Rinig kong bulong ni adam na agad ikinapanting ng tenga ko.

"Can you please stop calling her like that?" Inis na sabi ko sakanya. Kung dati ay okey lang saakin na tinatawag nya ng kung ano ano si lauren, ngayon hindi na.

Nagtatakang lumingon saakin si adam. Pinark nya muna ang kotse bago sya tuluyan lumingon saakin

"Are you two okay? Back then it was okay for you to hear me call her that."

My Rival's FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon