LAURENT KENT POV:
"Bakit?" Tanong ko sakanila. Hindi ko kasi gusto ang tinginan nila saakin.
"Ano yun ha?" Agad akong kinabahan dahil sa tanong ni zies saakin.
"Anong ano?" Pilit akong tumawa.
"Huwag ka ng magpalusot nakita ko kayo." Sabi ni cassandra.
"Kailan pa?" Tanong nya. I think alam ko na ang ibig nyang sabihin.
"For god sake, kent. Fiance yun ng kapatid mo."
Ngumisi ako ng tuluyan ko na ngang malaman ang tinutukoy nila.
"Exactly." Sabi ko bago ako lumoblob sa tubig.
"Fiance sya ng kapatid kong bastardo kaya ko ito ginagawa. Kailangan kong gamitin si veronica laban sa kapatid kong bastardo." Uminom ako ng wine.
"Nararamdaman ko na may iba pang mangyayari, at si veronica ang isa sa matinding ally ni adam."
"Why?"
"Nagtataka ako kung bakit nag aaral si adam about business. And one time narinig ko silang naguusap ni dad na kailangan nyang pag butihin ang pag aaral nya para pag dumating ang araw ay may kakayahan na sya pag humarap sa mga tao. I dont know pero sa tingin ko babalik si adam as president oras na masunod nya ang gusto ni daddy na pag aralan nya ang business." Akala nila dad wala akong alam sa plano nilang gawin.
Tapos next week aalis silang tatlo papuntang US. Ang sabi nila may business silang aayusin doon pero i know na about ito sa paghahanda ni adam bilang bagong president ulit.
Mahigit isang buwan silang mag sstay doon.
Alam ko naman na pinapractice nya lang si adam sa pagpapatakbo ng business.
Minsan hindi ko maiwasang maiyak dahil sa sobrang selos dahil nagagawa akong lokohin ni daddy para lang kay adam.
"Kinakabahan ako dyan sa ginagawa mo lauren." Nag aalalang sabi ni zies.
"Paano kung parehas kayo ng plano ni veronica?
Alam naman nating tatlo dito na mahal na mahal nila ang isat isa. i mean, alam ni veronica ang pinag gagawa mo kay adam. Baka mamaya ginagamit ka lang rin nya para ipaghigante si adam sayo."
Naisip ko na rin yan, pero bahala na. Paunahan na lang. Pero i swear na ako ang mananalo this time.
"I promise na ako ang mananalo this time."
Mahigit isang buwan kaming magkakasama ni veronica sa iisang bahay ng kami lang, kaya kampante ako na magagawa ko ang plano sa panahon na iyon.
Lumipas pa nga ang mga araw, at ilang beses pang nasundan yung nangyari saamin ni veronica sa kitchen. Napangisi ako. Sa tingin ko gumagana na ang plano. Nangyayari lang kasi ang bagay na yun sa tuwing may lalake akong kasama.
Nagagalit kasi sya saakin. Minsan pumapasok sya sa kwarto habang natutulog ako tapos doon na mangyayari ang mainit na tagpo.
"Ikaw na muna ang bahala sa company lauren." Bilin ni dad habang nasa hapag kainan kami.
Tumango ako ng pilit.
Im always the second option.
Ngayong araw ang alis nilang tatlo papuntang US kaya naman ihahatid namin sila sa airport. Ayaw ko sana sumama pero pinilit ako ni daddy para daw may kasama pabalik si veronica.
Dati kaming tatlo nila mommy ang umaalis papuntang ibang bansa, ngayon ang kasama na nya ay ang bastardo nyo at ang kabit nya.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paraan ng pag lalakad ni veronica. Napa smirk ako.
Buong mag damag ba silang nagpakasarap?
