LAURENT KENT POV:
"Dito na ba sainyo nakatira yung fiance ng kapatid mo?" Tanong saakin ni nathan habang papunta kami sa pool. Kakatapos lang ng dinner namin with his family. At napag desisyonan naming mag swimming.
Ang magulang naman nya kausap si daddy at ang kabit nito about business.
"Oo, at matagal na silang live in." Sagot ko sakanya.
Pinatong namin ang wine sa gilid ng pool.
"Nasa balcony sya." Bulong saakin ni nathan.
Pasimple kong inangat ang paningin ko sa balcony, at nakita ko nga syang nakatayo doon sa balcony ng kwarto nila ni adam.
Umiinom rin ito ng wine.
Paminsan minsan sumusulyap sya saamin.
"So totoo nga na umuwi ka na?"
Sabay kaming napatingin sa taong nagsalita sa likoran namin.
Si zies at cassandra.
Sabi nila hindi sila pupunta?
Ininvite ko kasi sila sa dinner dahil nga umuwi na si nathan, pero hindi sila naniwala kasi daw pagnakakausap nila si nathan sa online chat ay palagi raw nitong sinasabi na hindi pa sya makakauwi.
"Akala ko hindi kayo pupunta?" Nakangisi kong tanong.
"Galing kasi kaming work at naisipan naming dumalaw para tignan kung totoo ang sinasabi mo."
Sabi ni zies. "Mukhang totoo naman."
"Anong mukha? Totoo talaga no." Sabi sakanya ni cassandra.
Tumawa kaming dalawa ni nathan.
"Halika na." Yaya ko sakanila bago ko hinayaang mahulog ang katawan sa tubig,
"Mag bibihis lang kami." Sabi nilang dalawa bago sila naglakad papasok ng bahay.
"Marami akong extra na swim wear sa closet." Sigaw ko sakanila.
"I know."
Nilublob ko ang buong katawan ko sa tubig. Pagkalipas ng isang minuto saka lang ako umahon.
Pag ahon ko si veronica ang nakita ko na nakatingin saakin mula sa balcony ng kwarto nila ni adam.
Ano bang problema niya? Kanina pa sya tingin nang tingin.
"Aww." Gulat na ulas ko dahil sa taong humila saakin sa ilalim ng tubig. Tumatawa si nathan habang hawak hawak ako braso.
Maya maya sabay kaming umangat.
"Nakakainis k-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong halikan sa labi. Nanlake ang mata ko sa ginawa nyang iyon. It takes a minute bago ko sya naisipang pigilan.
"Nathan?" Tawag ko sakanya.
Napansin ko na parang nahihiya sya. Hindi sya makatingin saakin ng deretso.
Maya maya bigla na lang itong bumitaw saakin.
"S-sorry" huling sabi nito bago sya nagmadaling pumunta sa tabi at umahon. Kinuha nya ang bathrobe nya saka naglakad paalis.
Napalunok ako.
Nagmadali akong umahon at akmang susundan na sana si nathan ng sakto namang lumabas ang dalawa sa mansion.
Nagtatakang tinawag nila si nathan pero hindi sila nito pinansin. Maya maya tumingin sila saakin.
"Anyare dun?" Tanong nila.
Ngumiti ako ng pilit.
"M-may pupuntahan daw sya." Palusot ko para hindi na sila magusisa pa. Napabusangot ang dalawa.
"Sayang naman." Sabi nila.
"Tayo na lang." Pinauna ko na sila sa pool dahil balak kong sundan si nathan. May kailangan lang akong itanong sakanya. Pero malinaw naman na may gusto pa rin ito saakin. I mean, hindi naman nya ako hahalikan ng walang dahilan right?
