022•

2.5K 92 2
                                    



"Sure ka na ba talaga na hindi ka tatakas? Handa ka naming tulungan selena." Tahimik lang ako na nakikinig sa usapan nilang magkakaibigan. Nagbibihis na kami dahil kailangan na naming bumalik sa dalampasigan.

Kakatapos lang namin mag snorkling. Mababait naman silang tatlo. Pinakilala rin sakin ni selena ang dalawa nyang kaibigan na si megan at anne.

Balita ko na si selena ay gustong ipakasal ng daddy nya sa italianong lalake na anak ng kaibigan ng daddy nya. At mamayang gabi nga ay ang engagement party nila.

Naalala ko tuloy si veronica at adam. Next week engagement party na nila at next month tuluyan na syang mapapakay adam.

Hindi ko na naman maiwasang malungkot sa tuwing naaalala ko about sa kasal nila.

"Wala rin naman akong pupuntahan megan, kailangan ko ng tanggapin na ito ang kapalaran ko. Magpapakasal at hahawakan ang business namin."
Si selena.

Pagkatapos ko mag ayos lumapit ako sakanila.

"Hindi mo naman kailangang sundin ang daddy mo selena. Lalo na if kaya mo namang buhayin ang sarili mo." Napatingin silang tatlo saakin.
"Kailangan mong patunayan sa daddy mo na kaya mo ang sarili mo para malaman nya na hindi ka pwedeng maging sunod sunoran sakanya." Seryosong sabi ko sakanila.

Lahat sila nakangangang nakatingin saakin.

"Wala na akong magagawa pa lauren. Mamaya na ang engagement."

"Engagement pa lang naman selena, may panahon ka pa to back out. Hindi mo dapat hinahayaang kontrolin ka nila." Sabi ko sakanya.

Sinuot ko na ang salamin ko. Saka naglakad papunta sa may hagdan. Malapit na kasi kami.

Magkababa namin sa yacht nagpaalam na ako sa tatlo. Sana magkita kita pa kami masaya silang kasama.

Tumuloy ako sa cottage dahil nag text si mommy kanina na naandon sila. Malayo pa lang ako natatanaw ko na sila mommy.

Mangilan ngilan lang sila doon. Siguro nasa dagat ang iba. Hapon na rin kasi dahil yung dalawang oras na sinabi nila saakin ay umabot ng limang oras.

"Kamusta ang lakad with new friends?" Tanong saakin ni mama pagkahalik ko sakanya.

"Good mommy. They're nice."
Sabi ko sakanya bago pumunta sa mesa kung nasaan ang mga pagkain. Kumuha ako ng orange.
"Wheres the others?" Tanong ko sakanila.

"Nasa hotel."
Tumango tango ako.
"Hinintay lang kita para sabay na tayo. Nandon na rin ang make up artist." Sabi nya saka tumayo.

Sya na rin ang nagdala ng bag ko kaya naman sumunod na ako sakanya.

Pagdating namin sa room kung nasaan ang make up artist ay pumasok na kami. Inukupahan pa namin ang room na to para lalagyan ng mga susuotin namin sa party.

Nadatnan ko sa loob si veronica at adam kasama si daddy at ang kabit nito.

Ramdam ko ang mga tinginan saakin ni veronica pero hindi ko sya magawang tignan. Tumuloy ako sa sofa saka doon naupo.

Nakabihis na sila daddy at si adam pati ang nanay nya. Habang si veronica ay hindi pa pero nakamake up na ito.

Mas lalo syang gumanda sa ayos nya ngayon.

"Hon, ikaw nga mag ayos." Tawag ni adam sakanya. Nakaharap si adam sa malaking salamin at inaayos ang necktie.

Sarap nyang sakalin gamit ang necktie nya. Necktie na lang hindi nya pa kayang ayusin.

Inirapan ko si veronica ng tumayo ito at lumapit kay adam.

Nilipat ko na lang ang tingin ko kay mommy na kakatapos lang maayusan.

My Rival's FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon