"Manang lydia, nakauwi na po ba si mommy?"Tanong ko kay manang lydia pag pasok ko sa bahay.
Hindi ko kasi nakita ang sasakyan ni mommy sa parking, ang sasakyan lang na nasa parking ay kay daddy.Galing lang kami sa outing na magkakaibigan, at tatlong araw kami sa bakasyon.
Binaba ko ang bag ko sa sofa saka ako tumuloy sa kusina, pero nagulat ako ng makita ko ang bastardong anak ni daddy na nasa kusina.
Napakunot ang noo ko sa sobrang inis.
Ito ang pangalawang beses na nakita ko sya sa personal kaya tandang tanda ko ang pagmumukha nya. Una ko itong nakita nung sinundan ko si daddy ng umalis ito ng madaling araw dahil nagdududa ako sa kilos nya. Itong lalakeng ito at ang kabit niya ang kinita nya.
Alam ba ni mommy na nandito ang lalakeng ito? Bakit hindi man lang sya nag sabi saakin?
"What are you doing here?" Galit na tanong ko sakanya. Naagaw ko ang attention nya at tumingin sya saakin.
Maski sya nagulat ng makita nya ako.
"Anak." Galit na tumingin ako kay daddy. Kinakabahan sya.
"Hes ada-""I know dad na sya ang anak mo sa kabit mo. Ang gusto kong malaman kung bakit nandito ang lalakeng yan." Tinignan ko si adam.
Muli akong tumingin kay daddy.
"Alam ba ni mommy na dinadala mo ang lalakeng iyan sa bahay natin?" Tanong ko ulit sakanya.
Hindi sya umimik sa naging tanong ko.
"What dad?" Tanong ko ulit sakanya.
"Tatlong araw lang akong nawala, dinala mo na dito ang bastardo mong anak. Wala ka talagang respeto sa nararamdaman namin ni mommy."
Mabilis akong umalis sa harapan nila.Nagpupuyos sa galit na umalis ako sa harapan nila.
"Lauren."hindi ko sya pinansin.
Kinuha ko ang bag ko sa sala saka ako umakyat sa hagdan. Tumuloy ako sa kwarto ko.
Chinarge ko rin ang cellphone ko dahil kahapon pa ito lowbat.
Pagkabukas ng phone ko sunod sunod na nagsipasok ang mga text ni mommy.
Sa unang text pa lang nito feeling ko sasabog na ako sa nararamdaman ko.
Sinasabi nya saakin na umalis na sya sa bahay dahil balak na ngang patirahin ni daddy si adam dito sa bahay at nalaman rin nya na may relasyon pa rin si daddy at ang mommy ni adam.
Agad na nagsibaksakan ang luha ko dahil sa text ni mommy.
All this time akala ko wala ng namamagitan pa sakanila ng kabit nya, pero tuloy tuloy pa rin pala sila.
Hindi ko na inubos basahin ang iba pang text ni mommy.
Kinuha ko ang maleta ko at pinasok ang mga importanteng gamit ko.
Hindi ko kayang makasama ang bastardong anak ni daddy, kaya mas gugustuhin ko na lang din na umalis kesa makasama sila sa iisang bahay.
Niloko nya kami ni mommy ng napakatagal na pahanon pero pinatawad pa rin namin sya dahil ang sabi nya puputulin nya ang lahat ng connection nya sa kabit nya at kay adam, pero ito pa ang igaganti nya saamin?
Pagkaayos ko ng gamit ko, hinila ko na ang maleta ko palabas.
Pagdating ko sa sala agad na napabangon si daddy sa sofa at agad na lumapit saakin.
"Lauren." Tawag nya saakin. Hinawakan nya ako sa braso "wag ka namang umalis lauren." Pagmamakaawa nya saakin pero tinabig ko lang sya paalis sa daanan ko. Tumuloy ako sa paglakad pero muli nya akong pinigilan kaya tuluyan ko ka syang hinarap.
Agad na nagsibagsakan ang luha ko.
"Pagkatapos ng ginawa mo saamin ni mommy, umaasa ka talaga na magiging maayos tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.
"Niloko mo kami ng napakatagal na pahanon daddy, ilang beses mo kaming niloko." Pinunas ko ang luha ko bago ako nagpatuloy sa paglalakad palabas.May nakasalubong akong magandang babaeng medyo familiar saakin.
Nang marealized ko kung sino ito muli ko itong nilingon.Anong ginagawa nya dito sa bahay?
Its fucking veronica.
Anak ng pangatlong pinakamayaman sa pilipinas.
••
![](https://img.wattpad.com/cover/367742654-288-k878250.jpg)