LAURENT KENT POV:
"Maam ito na po yung papeles na galing sa R&D" sabi saakin ng secretary ko. Nilapag nya ang folder sa harap ko.
Yes, Nag wowork na ako sa company namin. im the COO habang si adam naman ay CFO. Mas higher ang position ko kesa sakanya kaya okey lang.
"Thank you." Sabi ko kaya naman lumabas na sya.
Pero maya maya lang ay muli syang bumalik."Maam may naghahanap po sainyo." Napakunot ang noo ko.
"May appointment ba yan?" Tanong ko.
"Wala po maam, pero kakilala nyo raw po." Sabi nya. Tumango ako sakanya kaya naman pinapasok nya na ang taong naghahanap daw saakin.
Ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko si nathan.
Mabilis akong tumayo at patakbong yumakap sakanya. Omg. Ramdam ko rin ang mahigpit nyang yakap saakin."Kailan ka ba bumalik?" Tanong ko sakanya.
Ngumiti ito at muli akong niyakap."Kanina lang." Sabi nya.
"Namiss kita."
Nathan is my childhood bestfriend. Pero nag migrate sila sa new york nung 18 years old sya, at ngayon nga lang ulit sya bumalik na 26 na sya.Magkasing edad lang kaming dalawa.
Kumawala na ako sakanya.
Omg i miss him so much.
"Namiss kita ng sobra." Muli ko syang niyakap.
"Tyaka sobrang laki ng pinagbago mo. May abs ka na." Sabi ko sakanya na ikinatawa nya.
Payatot lang kasi ito dati, na palaging binubully.
Kaya naman nakakagulat na makita ko sya sa ganitong itsura nya.Sobrang gwapo nya na kahit sinong babae atang makakita sakanya maglalaway e. Hindi ko tuloy maisip na ito yung lalakeng nagkagusto saakin noon.
Actually isa yun sa dahilan kung bakit sya sumama sa parents nya sa new york dahil sa nararamdaman nya saakin. Umamin sya saakin noon pero dahil bata pa ako at hindi pa ako ganoon ka open sa love ay hindi ko sya hinayaan na manligaw saakin.
Sana lang nakamove on na sya dahil sa paglayo nya saakin."Kumain ka na ba?" Tanong ko sakanya. Nagkibit balikat sya. Inayos ko ang table ko bago ako tumayo.
Bukas ko na lang itutuloy itong trabaho ko. Namiss ko itong bestfriend ko at ngayon na lang ulit kami nagkita sa loob ng pitong taon.
"Lets eat outside." Sabi ko sakanya saka ko sya hinila palabas.
"Pa cancel ng lahat ng appointment ko today." Sabi ko sakanya bago ako tuluyang lumabas ng opisina.
"Sila tita and eliza kasama mo bang umuwi? Namiss ko rin sila." Tanong ko sakanya kabang hinihintay naming mag bukas ang elevator.
"Yeap, gusto nga sanang sumama saakin ni eliza kaya lang nag aya ang kaibigan nyang lumabas kaya ako na lang mag isa ang pumunta dito." Mahabang paliwanag nya.
"Pumunta ka sa bahay bukas, total magkapitbahay rin naman tayo.""Sa dati pa rin pala kayo nakatira?" Tanong ko sakanya. Kapitbahay lang kasi namin sila noon.
"Oom."
Bumukas na ang elevator, natigil ako ng makita ko si veronica mag isa lang syang nakasakay at sa tingin ko aakyat rin sya. Nalipat ang tingin nya kay nathan ng mag salita ito. Iba ang tinging pinupukol nya sa kaibigan ko.
"Si tito pala? Nandyan?" Nabalik ako sa ulirat ng mag salita si nathan. Ngumiti ako nago tumingin sakanya.
"Nandyan."
"Pwede ba akong pumunta sakanya sandali? I just wanted to say hi."
"Yeah sure."
Mukhang doon nga rin pupunta si veronica dahil naka set na ang 20.
Tumayo kami sa gilid ni veronica
![](https://img.wattpad.com/cover/367742654-288-k878250.jpg)