029•

8.8K 209 12
                                        

"Hon." Tinapik ako ni adam kaya nabalik ako sa realidad. "Ito na ba ang gusto mong gown for our weeding?" Tanong nya saakin sabay turo sa picture.
Hindi ako nakasagot sa naging tanong nya.

Nilipat ko ang paningin ko sa mga kasama ko. Lahat sila nakatingin saakin.

Si mommy, daddy, tita and tito ay nandito sa bahay ngayon. Para sa sukat ng damit na susuotin sa kasal namin ni adam. Nakapagsukat na rin kami ng damit na susuotin sa engagement namin ni adam bukas.

Habang palapit ang araw mas lalo akong nanghihina. Isama pa na hindi ko na nakikita si lauren dahil hindi na rin ako pinapapasok ni adam at ng mga magulang namin sa company.

"Okey ka lang ba, veronica?"
Tanong saakin ni mommy.
"Kanina ka pa tulala dyan."
Yumuko ako at napalunok.

"I cant do this, anymore"

thats it.

Napakuyom ako ng kamao ko after kong sabihin ang mga salitang ilang beses ko ng sinubok na sabihin sakanila pero hindi ko masabi sabi dahil naduduwag ako.

"What?" Tanong ni mommy.

Tuluyan ng bumuhos ang luha ko.

"Im sorry, but i cant do this anymore." Naramdaman kong hinawakan ako ni adam sa kamay.

"Hon-"

"Im sorry adam, but i cant marry you. Im really sorry." Naramdaman ko na lumuwag ang pagkakahawak nya saakin.

"Anong ibig sabihin nito veronica?" Tanong ng baritonong boses. And i know its dad.

"I dont love him anymore, daddy." Matapang na sabi ko sakanila. Tumayo si daddy dahil sa sinabi ko sakanila. Ang iba naming kasama ay natahimik at parang hindi pa tuluyang nag rerehestro sa utak nila ang mga narinig mula saakin. Except kay tito na seryoso lang na nakatingin saakin. Malakas ang kutob ko na may alam na si tito sa mga nangyayari.

Nilingon ko si adam. Nakita ko na tulala ito saakin at may luha sakanyang pisngi. Hindi ko lubos maisip na dadating kami sa puntong ito ng buhay namin.
Masaya naman kami noon pero ganoon siguro talaga ang panahon.. nagbabago.

Pero mas okey na na malaman niya ito bago pa mahuli ang lahat.

Para rin ito saaming dalawa.

"Im sorry adam." Sabi ko sakanya.
Lumunok ito.

"Bakit?" Tanong nya saakin.
"May nagawa ba ako?" Umiling ako
"Pero bakit?" Tanong nya ulit saakin.

"Itigil na natin ito adam, parehas lang tayong masasaktan pag tinuloy pa natin ito."
Sabi ko sakanya. Umiling sya.

"No." Hinawakan nya ang kamay ko pero agad ko rin itong binawi sakanya.

"Please stop, adam." Umiiyak na sabi ko.
"I p-promise hindi ko ipagdadamot sayo ang bata." Umiling sya. Maya maya lumuhod sya sa harap ko.

"Hindi pwede, veronica." Umiiling na sabi nya.
"Ayaw mo bang magkaroon ng kompletong pamilya ang anak natin?" Tanong nya. Hinawakan nya ang kamay ko.
"I promise na mas magiging maayos ako, kung yun ang iniisip mo. I promise magiging mabuting ama at asawa ako sainyo. Please wag mo lang akong iwan veronica." Lumalakas na rin ang pag iyak ni adam.

Umiling ako sakanya.

"Im sorry, pero ayaw ko na adam." Sabi ko sakanya.

"Veronic-"

"Im sorry."

"Matutuloy ang kasal." Parehas kami napatingin kay daddy ng magsalita ito gamit ang napaka seryosong boses.

My Rival's FianceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon