Dalawang linggo na ang lumipas simula ng umalis ako sa company. Lahat ng taong malalapit saakin sa company tinatanong kung bakit hindi na ako nagpapakita. Balita ko umuwi na rin sila dad dahil wala ng nag hahandle ng business dahil nga umalis na ako, wala na syang maiwanan.
Nakailang missed called din saakin si dad, nung sunod na araw na yun. Kahit nga ngayon sunod sunod pa rin ang tawag at text nya pero hindi ko binabasa at sinasagot.
I quit.
Andyan naman ang mahal na mahal nyang anak, bakit hindi yun ang hingan nya ng tulong? Akala ko ba magaling yun?
At sa tatlong linggo na iyon ay araw araw kaming may meeting na magkakaibigan dahil balak namin mag merge para makatayo ng sarili naming company.
Naisip na nga namin na ang pinapagawang building na lang ni zies ang gagamitin namin na main building. Mga condo, hotel, and mga private land ang magiging negosyo namin dahil yun ang negosyo ng lacson corp na malakas kumita.
Kung ano ang business nila dad yun din ang naisip kong gawin, tinatanong nga ako ng mga kaibigan ko kung sure ba daw ako na kakalabanin ko ang lacson corp, i said yes. Dahil target ko na kunin ang mga investor sa lacson corp. actually nakausap ko na ang ilan sakanila. Lalo na ang malalakeng investor sa ngayon hinihintay ko na lang ang desisyon nila.
Im evil? Okey? Papanindigan ko ang mga sinabi nya saakin. Yes Im evil. Kung gusto nya palitan ko pa si satanas sa pwesto e.
Pag sapit ng tanghali agad na akong nag ready.
Balak kong pumunta sa mansion ngayon para kunin ang mga importante kong gamit doon.
Ngayon ko naisipan pumunta dahil nga ito ang oras na sigurado akong wala silang lahat sa bahay.
Pag dating ko sa mansion sa labas na lang ako nag park, para mas mapadali ako. At least pag may dumating ay hindi maiipit ang sasakyan ko sa parking.
Pag pasok ko sa mansion walang katao tao sa sala kaya dumeretso ako sa kwarto ko.
Kinuha ko ang maleta ko at nilagay ang mga papeles na nasa vault ko. Sinama ko na rin ang ibang mga alahas ko. Hindi ko lang dinala ang mga damit dahil marami naman akong damit sa condo. Plus mura lang naman kaya makakabili rin ako.
Pagkatapos ko lumabas na ako ng kwarto.
Bababa na sana ako sa hagdan ng doon naman bumukas ang kwarto nila adam.
Shet.
Nandito pala sila?
But who cares? May karapatan pa rin naman ako dito kahit pa tinatakwil ko na sila bilang pamilya.
Hindi na ako lumingon, bagkos pinag patuloy ko na lang ang pag baba ko. Pagbaba ko ng hagdan doon naman pumasok si daddy kasama si adam. Pareho silang nakasuit at parang pagod na pagod.
Nagulat si daddy pagkakita saakin. Ngumiti pa nga sya pero agad rin iyong nawala ng makita nya ang maleta ko.
Lumapit na rin si veronica saamin at kinuha ang gamit sa fiance nya.
"Ana-"
"Kinuha ko lang mga importante kong gamit dito." Putol ko sa sasabihin nya.
Lumapit sya saakin.
"Anak, bumalik ka na sa opisina lahat ng tao hinahanap ka. Umalis na ang ibang investor at ang ibang investor Nagbabanta sila na aalis sila.-"
"I dont care dad, i quit and im tired. Andyan naman si adam diba? Ang magaling at paborito mong anak. Hes good at everything."
Tinignan ko si veronica ng sabihin ko yun. Nag iwas sya ng tingin.
"At tyaka pagod na ako maging anak mo, ayaw ko na." Tinulak ko na ang maleta ko pero pinigilan nya ulit ako.
"Please anak."
"My answer is NO." Firm na sagot ko
"Ngayong may problema kayo ako ang aasahan mo, pero pag maganda ang takbo ng company si adam, para ano? Para pabagsakin nya ulit, tapos ako na naman ang aayos? Tapos pag okey na ulit, kay adam na naman. Puro na lang adam." Tumawa ako ng pagak bago ako humarap sakanilang lahat.
"Im your asset but you choose him over me. You really dulge a bullet." Nilampasan ko na si dad Pero tumigil ako sa harapan ni veronica.
"Magaling sya diba? Nasaan?" Ngumisi ako.
"Puro satsat." Mapang asar na pinasadahan ko sila ng tingin isa isa bago ako naglakad palabas dala ang maleta ko.
Ang init.
Pinaypayan ko ang sarili ko habang naglalakad papunta sa sasakyan ko.
••
Ilang araw na ang lumipas simula nung engkwentro namin sa mansion.
"Huwag mo namang gawin ito sa daddy mo anak, pinag hirapan namin iyon ng daddy mo, ayaw ko namang mawala lang ang pinag hirapan naming dalawa." Pakiusap saakin ni mommy.
actually simula pa nung araw na nalaman nyang umalis na ako sa comapany ay lagi nya akong pinapakiusapan na huwag akong tumuloy. Alam kasi nya na malake ang tulong ko sa company.
Tinigil ko ang pag hiwa ko para harapin sya.
"Mom, bakit ba napakabait mo? Ikaw na nga itong niluko ni daddy ikaw pa itong mabait sakanya." Sabi ko. "Plus hayaan mo na si daddy, hindi nga nya tayo nerespeto diba? Deserve nya lang ang nangyayari sakanya ngayon. Lahat ng ito karma nya dahil sa kasalanan nya." Sabi ko. Lumapit saakin si mommy at hinalikan ako sa pisngi.
Asus ang mommy ko naglalambing.
"Anak, hindi maganda ang paghihigante. Iyon ang tandaan mo. Lahat ng paghihigante may masamang kapalit." Konte na lang talaga makokombinsi na ako ni mommy.
Napakabait talaga ni mommy, mabuti na lang talaga sakanya ako sumama nung nag hiwalay sila ni daddy.
"Ikaw ang swerte sa pamilya natin, kaya alam ko na ikaw rin ang makakaayos ng company na pinag hirapan namin ng daddy mo." Muli ako nitong hinalikan sa pisngi.
Napairap ako sa kawalan. Tumawa si mommy bago ako niyakap.
"Thank you anak." Walang nagawa na pumayag na lang ako. Mahal na mahal ko itong mommy ko. Sa ilang beses nya akong kinausap tungkol dito ay ngayon nya lang ako nakumbinsi.
"Ikaw talaga mommy. Pasalamat si daddy at ikaw ang ex nya, dahil kung hindi baka sa kangkongan sya pulutin." Natawa si mommy dahil sa sinabi ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit.
"I love you mommy."
Hinaplos nya ako sa likod.
"I love you more, anak."
••
