"Good morning." Lumingon ako sa babaeng kakagising pa lang. Nilagay ko na sa laundry basket ang pinulot kong nighties at bathrobe. Lumingon ako sakanya.
"Kanina pa tumatawag sa phone mo si adam." Seryosong sabi ko sakanya. Pumunta ako sa closet ko para mag hanap ng susuotin. Kakatapos ko lang maligo at mag blower.
Kumuha ako ng leggings at sports bra.
Mag gygym kaming magkakaibigan ngayon kaya maaga akong kumilos.
Tawag nila ang gumising saakin kanina.
Tumawag sila para yayain akong mag gym.
Nakita ko na bumangon na si veronica sa pagkakahiga saka naglakad papasok ng banyo.
Pagkatapos ko mag bihis at mag ayos ay nag suot na ako ng sneakers.
Habang nag reready ako ng damit na pampalit ko sa gym bag ay sakto namang lumabas si veronica. Nakaligo na sya at suot nya pa rin ang damit na gamit nya kahapon. Nag blower lang sya ng mabilis.
Pagkatapos nya mag ready, sinukbit ko na ang bag ko at sabay na kaming lumabas ng kwarto.
"Ihahatid kita sa bar para makuha mo ang sasakyan mo." Seryosong sabi ko habang naglalakad papunta sa elevator.
"Hi lauren." Bati saakin ni harold, ang nakatira sa malapit sa room ko. Ngumiti lang ako sakanya saka ako sumakay sa elevator.
"Mag gygym ka?" Tanong nya saakin.
"Yeap." Tipid na sagot ko
"Sabay na tayo pumunta."Offer nya.
Magsasalita na sana ako para tanggihan sya ng unahan ako ni veronica.
"She's taken mister." Sabi ni veronica.
Saka pumagitna saamin ni harold.
"Oh sorry i didnt know."
"Ngayon alam mo na, kaya please lang, lumayo ka." Mataray na sabi ni veronica. Natahimik naman si harold sa isang tabi.
Hindi ko na rin naisipan pang magsalita.
Pag dating namin sa 3rd floor bumaba na kami saka sabay sabay na pumunta ng parking.
"Binakuran mo naman agad. Paano ako magkakaboyfriend nyan." Asar ko kay veronica pag pasok namin sa sasakyan.
"You are mine, lauren. Baka nakakalimutan mo yung sinabi mo kagabe." Sabi nya. Hindi ko alam na seseryosohin nya pala iyon.
Hindi na ako nagsalita para wala na lang away.
Nag drive na ako paalis.
"Bye." Lumapit ito saakin at hinalikan ako sa labi.
Ngumiti sya bago sya bumaba.
Hinintay kong makaalis sya bago ako nag maneho papuntang gym kung saan namin naisipang puntahan na magkakaibigan.
"Balita ko bumalik ka na sa lacson corp? So ano tuloy pa ba ang plano natin?" Tanong nya.
Binaba ko ang barbel bago ako tumingin sa dalawa kong kaibigan.
"Ofcourse." Sagot ko sakanila.
"Tyaka ginawa ko ito dahil ito ang pakiusap ni mommy. Gusto nyang tulungan ko si dad."sabi ko sakanila. Tumayo ako para kuhain ko ang towel at nag punas.
"Huli na to, napag kasunduan namin ni mommy na last na ito." Sabi ko sakanila bago uminom ng tubig.
Tumayo na rin sila at lumapit saakin.
"Kamusta na kayo ng magiging sister in law mo?" Tanong ni cassandra. "Gumagana pa ba?" Asar nya saakin. Ngumisi ako. "Mukhang alam na namin." Nakangising sabi nito.
"Well, i think i won." Muli akong uminom.
"Bakit?" Si zies.
"Basta." Sabi ko sakanila. Bago naglakad.
"Ang daya naman e." Reklamo nilang dalawa bago sila humabol saakin.
sabay sabay na kaming pumunta sa shower room, mabuti na lang at walang kahit na isang naliligo kaya mabilis kaming nakatapos.
