02•

2.6K 90 22
                                    

LAURENT KENT POV:

"Buti naisipan mo ng bumalik dito sa mansion anak." Sabi ng tatay ko. Naandito kami ngayon sa opisina nya sa bahay.

"Ofcourse dad, besides dito na ako lumaki. Gusto ko lang tumira ulit dito." Para bawiin ang kung anong nararapat saakin, at dahil matagal na, kaya isasama ko na ang interest.

Gusto ko sanang idagdag yun pero wag na dahil kailangan kong kuhain ulit ang loob ni daddy.

"Thats good." Sabi nya habang busy sa pagbabasa ng mga papeles. "Anyway-"

"I'll go to my room dad." Putol ko sa sasabihin nya. Sure kasi ako na ang kabit nya ang karugtong nun.
Hindi ko sya matatanggap.

"Okey, anak."
Humalik ako sa pisngi nya bago ako naglakad palabas.

Nakasalubong ko si adam sa hallway ng bahay.

Pag minamalas ka nga naman.

"Oh?" Hindi makapaniwalang sabi nito.
"Totoo pala na bumalik na ang isang talunan dito sa bahay?" Nakangising sabi nito. Ngumisi rin ako.

"Yeap." Sabi ko.
"It's time to take what's rightfully mine, plus the interest"

sabi ko sakanya bago ko sya nilampasan.
Pagtapat ko sa kwarto nila, ay sya namang pag labas ni veronica. Ang isa sa dahilan kung bakit ako bumalik dito sa mansion.

they live in together kahit na hindi pa man sila kasal.

Ito na ang oras para gawin ko ang balak ko, para walang habol si adam, hindi nya rin ako masasampahan ng kaso dahil hindi pa sila kasal.
Wala syang dahilan.

Ngumiti ako sakanya at kinindatan sya. Nakita ko na nagulat ito sa ginawa ko. Muli akong ngumiti bago ko muling nilingon si adam.
Inirapan ko sya saka ako naglakad papunta sa kwarto ko.

I will make her mine.

Tama nga ang hinala naming magkakaibigan. After nilang mag pull out, the next day sinalo ni veronica ang shares nila, kaya hindi kami nag tagumpay sa plano namin.

kaya dito tayo sa plan B. Sa tingin ko dito na ako magtatagumpay na pabagsakin si adam.

Pag nahulog saakin si veronica, madali ko na lang syang mapapaikot sa palad ko. Mapapasunod ko sya. At doon magsisimula ang kalbaryo ni adam.

Magsisisi sila ng nanay nya na pinasok nila ang mundo naming mayayaman. Hindi sila nababagay sa mundo namin.

Nakangiting humiga ako sa kama ko. Pero agad rin akong bumangon para bumaba.

Tutulong ako sa pagluluto to empress may dad, and of course, veronica.

Pagbaba ko sa kitchen, nadatnan ko si veronica na tumutulong sa kitchen. Nakasuot ito ng cotton short, tshirt and slippers na hello kitty.
Naka apron din sya.

What a wifey material.

Pero sisiguraduhin ko na hindi iyon makakamtan ni adam.

But dont get me wrong ah? Im straight, sadyang gagamitin ko lang si veronica sa mga plano ko, kaya kung kinakailangan lunokin ko ang pagiging straight ko, gagawin ko.

Sumandal ako sa dingding sa hindi kalayuan sakanila. Pinag masdan ko ang bawat galaw ni veronica. Ang hinhin nyang gumalaw, parang hindi sya makabasag pinggan. Abogada pa sya sa lagay na yan ah?

Hindi tumagal napansin nya rin ako, umayos ako ng tayo bago nilingon ang dalawang kasambahay na katulong ni veronica.

"Manang lydia and ate tonet, pwedeng palinis ng poll? Maliligo kasi ako later." Sabi ko sakanila.
Nag aalanga silang dalawa kung iiwanan ba nila ang ginagawa nila. Pero sa huli sumunod rin sila saakin.

My Rival's FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon