018•

8.9K 216 8
                                        


"Maam sasamahan ko pa rin po ba kayo sa construction site?" Tanong saakin ni lara habang naglalakad kami pabalik sa office.

"Wag na, gawin mo na lang ang mga iba mo pang gagawin." Sabi ko sakanya.

"Okey maam."

Balak ko kasing puntahan ang mga lupa na tatayuan ng mga building. At ngayon rin kasi ang delivery ng mga materiales na gagamitin namin para sa pag gawa kaya kailangan na nandoon ako to check if okey ang lahat. Uunahin namin ang kila veronica dahil ito ang unang project na naapprobahan ng boards.

May engineer at architech naman akong kasama doon kaya mas magiging madali ang trabaho ko dahil may expert akong kasama.

Magaling ako sa larangan ng business pero hindi ako magaling sa pag tingin ng materiales kaya kakailanganin ko sila.

Pagpasok ko sa office ko, hinubad ko ang blazer ko at nag suot ng fitted black long sleeves at fitted high waist jeans. Tinali ko rin ang buhok kong nakalugay. Nag suot ako ng high cut shoes.

Pagkatapos ko lumabas na ako ng office.

"Ingat maam."

"Thanks." Sagot ko sakanya.

Pagkasakay ko sa sasakyan agad ko ng pinatakbo ang sasakyan ko papunta sa constaction site.

"Good morning miss lacson" bati saakin ni engr. Thomas at ni architect gomez pagkalapit ko sakanila.

"Morning." Ngumiti ako sakanilang dalawa.
Inabotan nila ako ng hard hat.

Kinuha ko yun at sinuot.

"nandyan na ba ang mga materiales?" Tanong ko sakanila habang hinuhubad ko ang sapatos ko.
Binigyan kasi nila ako ng bota.

"Malapit na po miss lacson."

"Okey."

Pagkatapos kong isuot ang bota, inayos ko ang suot kong pantalon.

Napansin ko ang pag pasada saakin ng tingin ni mister gomez. Agad itong nag iwas ng mapansin nya na nakatingin ako sakanya.

"Good morning miss davis and sir lacson." Napatingin ako sa taong binati ni mister thomas.

Si veronica at adam.
Bakit ba palagi silang magkasama?

Tsk

Kinuha ko ang sapatos ko at naglakad papunta sa isang tabi.

"Hon, suotin mo to."
Rinig kong sabi ni adam kay veronica.

Nilingon ko sila at nakita ko na sinusuot sakanya ni adam ang hard hat na kagaya ng akin.
Mabilis akong nag iwas ng tingin ng makita ko na lumingon saakin si veronica.

Tumayo ako at naglakad palabas. Tumingala ako sa kalangitan para tignan kung maganda ba ang panahon. Maliwanag naman ang langit.

8:30 pa lang ng umaga kaya hindi pa masyadong masakit sa katawan ang init.

Maya maya pa ay lumabas na silang lahat kaya naman naglakad na ako. Sakto namang dumating na ang mga truck na mag dedeliver ng materiales.

Sampong truck ang inaasahang darating ngayon para mag deliver. at so far apat pa lang ang nakikita kong nagpapark. Marahil nasa labasan pa ang iba, hindi rin kasi sila kakasya dito lahat kung sabay sabay sila.

My Rival's FianceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon