015•

3.2K 97 1
                                    

Tatlong linggo na nga ang nakakalipas simula nung mangyari yung nasa mall. Simula ng araw na nalaman ko na nandidiri sya saakin ay hindi na nya muli ako nahawakan. May mga oras na gusto nya akong lapitan o kausapin pero hindi ko sya pinagbibigyan. Tama na yung nalaman ko na nandidiri sya saakin.

Okey pa nung nalaman ko na plano nya rin ang lahat ng ito. ang hindi ko lang matanggap ay nung sabihin nyang nandidiri sya saakin.

Oo parehas kami nag gagamitan pero yung pandidiri? Siguro masakit sa part ko na malaman na nandidiri sya, dahil kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na nandiri ako sakanya kahit pa labag rin sa loob ko ang ginagawa ko.

Pero kahit alam ko na nag gagamitan lang kami ay hindi ko maitatanggi na may kumirot sa dibdib ko nung nalaman ko na part rin lang pala ako ng plano nya at hindi ko alam kung bakit ko iyon naramdaman.

Ayaw kong isipin na ako ang nadadala sa mga patibong nya dahil hindi pwedeng mangyari yun.

Basta ang malinaw saakin ngayon, ay hindi ko na kailangang lumapit pa sakanya dahil lahat ng kailangan ko para makaganti kay adam ay nakuha ko na.

Dahil isang linggo simula nung bumalik ako sa lacson corp ay ginawa na akong president ni daddy na labis na ikinatawa ng mga tao at investor. Pinasa na rin ni daddy sa pangalan ko halos lahat ng mga ongoing project ng lacson corp. kaya labis akong natutuwa.

Madami ulit nag tiwala at nag invest sa lacson corp, dahil nalaman nila na nasa pangangalaga ko na ito.

At si adam, ayun mayabang pa rin para hindi masabi na talunan sya. May pwesto pa rin naman sya sa opisina. Tinanggal ko rin sya for being a president of chief financial officer dahil wala akong tiwala sa kakayahan nyang humawak ng tungkol sa finances. Sya nga ang dahilan kung bakit lumubog ang corp e.

Nung una nakiusap si dad na wag ko iyon gawin, pero wala rin syang nagawa dahil ako na ang mag dedesisyon. After all hindi nya naman kailangan tulungan ako dahil kung tutuusin mas kailangan nya ang tulong ko to save his legacy.

Sana maintindihan nya na si adam ang sumira ng legacy nya, dahil simula nung pinasok nya dito si adam sa opisina ay doon sya inumpisahang questionin ng mga tao na nasa larangan ng industria.

"Maam ito na po yung documents na pinakuha nyo sa finance department." Inabot ko ang folder na inaabot ng secretary ko sakin.

"Thank you." Pasalamat ko sakanya bago sya umalis.

Kinuha ko ang reading glasses ko at sinuot ito.
Importante ang documents na ito dahil dito nalalaman ang mga budget na gagamitin namin para sa mga condominiums, hotel, at private stablishment na project ng company. Ang isang client ko ay ang pamilya ni veronica. Nagpapatayo sila ng bagong company. I wonder kung balak ba nilang sakupin ang pilipinas ng mga negosyo nila. Sa pagkakaalam ko kasi meron silang almost 200 building sa buong pilipinas. At lahat iyon active. Isama mo pa ang mga investments nila.


Binuklat ko na ang folder at inisa isang basahin ang mga project at ang magiging budget nito.
Pero agad akong napakunot noo dahil sa isang project na hindi naman kasama sa napag usapan namin sa meeting with boards.

Its a luxury building na gagawing condo.
What the fuck paano nakalusot ito dito?
Its a private building.

Agad akong nag tipa ng numero sa landline.

"Lara, come here. We need to discussed something."
Sabi ko sa secretary ko.

"Maam." Tawag saakin ni lara pag pasok nya.

My Rival's FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon