031•

8.4K 189 7
                                        


Lumipas ang dalawang linggo, at halos usap usapan nga ang hindi pag dalo ni veronica sa engagement party.

Grabeng kahihiyan ang inabot ng dalawang pamilya. Pero hindi naman ako affected. Bakit ko naman iisipin ang kahihiyan? Ang importante saakin ay malago pa rin ang negosyo namin. At ang importante saakin ay nailayo ko si veronica sakanila. Si veronica ang pinaka importante sa buhay ko.

Simula nung araw ng engagement party ay hindi rin ako tinigilan ni daddy na paaminin. At alam ko na pinapamanmanan nya rin ako pero syempre dahil magaling nga ako ay wala siyang napapala.

Kahit ang dalawa kong kaibigan ay pinapamanmanan rin nya kaya nag utos kami ng ibang tao na tumingin kay veronica. Akala ba ni daddy maiisahan nya ang matalino nyang anak?

Pinaikot ikot ko ang alak sa baso ko bago ako sumimsim dito.

Naagaw ang attention ko ng pinto na marahas na bumukas.

Pumasok si daddy

"Hindi mo ba talaga ilalabas si veronica!?"
Galit na sabi nito.

Tumawa ako bago ko binaba ang baso ko. Tumayo rin ako mula sa pagkakaupo sa swivel chair.

"Nakailang tanong na kayo saakin daddy, hindi ka pa ba nagsasawa? Wala nga saakin si veronica, kaya anong ilalabas ko?"

"I know you lauren, hindi ka magiging ganyan ka kakampante kung alam mong nawawala si veronica."

"At bakit naman hindi ako magiging kampante?
Lalo at alam ko na umalis si veronica para matakasan kayo. Doon pa lang sa part na yun dapat maging kampante na ako dahil mas hindi ako magiging kampante kung nasa kamay nyo sya at pinapaikot nyo sya sa mga kamay nyong lahat."
Sabi ko sakanya. Tiim bagang itong nakatingin saakin.

"Ito tandaan mo lauren, oras na malaman ko na nasayo si veronica, pasensyahan tayo."

"Yeah, copy dad."
Napangisi ako ng mawala ito sa paningin ko.

"Maam nasa board meeting na po ang lahat." Tumango ako kay lara na kakapasok lang sa office ko.

Inayos ko ang sarili ko bago ko kinuha ang bag ko at naglakad palabas.

Pag pasok ko sa elevator nakasabay ko si adam na tulala.

Umayos ito ng tayo ng mapansin nya kami.
Hindi ko na lang ito pinansin. As long as hindi nya ako sinisimulan, then were good.

Sabay na kaming lumabas ng elevator.

Pag pasok namin sa board meeting ay napansin ko na nag uusap usap sila. Nandito rin si daddy.

Umupo na ako sa dulo kaya natahimik na silang lahat. Sinimulan ko na rin ang meeting.


"Its seems that you are not affected by your family issue, lauren." Tanong saakin ni mrs vasquez.

Kakatapos lang ng meeting namin.
Si adam at daddy ay nauna ng umalis dahil for sure aasikasohin na naman nila ang pag hahanap kay veronica.

"Well im not part of their family, mrs vasquez. Gulo nila iyong pamilya. Ang importante saakin ay maayos ang pagpapatakbo ko nitong negosyo." Ngumiti ako sakanila.

My Rival's FianceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon