017•

2.4K 84 12
                                    



"Job well done miss lacson." Puri saakin ng mga investor ng tuluyan na naming isarado ang project namin.

Ngayon lang kami nagkapermahan ng aproval para sa budget na ilalabas ng company sa apat na building na sisimulan na sa mga susunod na linggo.

Nagpalakpakan rin sila.

Ngumiti ako sakanila.

"Simula nung magtiwala kayo saakin na mamuno ng company nangako na ako sa sarili ko na aayusin ko ang pagpapatakbo. Kayo ang dahilan kung bakit ako naandito sa pwesto ko ngayon."

"Yan ang gusto ko sayo miss lacson, ang humble mong tao. Na kung tutuusin ay hindi naman dapat dahil magaling ka. ikaw ang nag sumikap para makarating ka sa kung nasaan ka ngayon. Pinag trabaohan mo rin naman ang tiwala namin sayo." Nakangiting napayuko ako dahil sa compliment na natanggap ko kay miss arnold.

"Hindi sapat ang galing ko miss arnold."
Tumingin ako kay daddy, na tahimik sa harap ko.
"As you can see, antagal ko ng pinatunayan ang sarili ko na magaling ako pero ngayon lang naman ako naupo sa pwesto"
tumingin ulit ako sa mga investor at ngumiti
"dahil may isang taong hindi naniniwala sa kakayahan ko. Kaya utang ko pa rin sainyong lahat kung bakit naandito ako, kayo ang naglagay saakin sa pwestong ito, at hindi ang aking sariling ama."
Lahat sila napatingin kay daddy.

Tinapos ko na ng tuluyan ang meeting kaya nag sitayuan na ang mga investor at sunod sunod na lumabas ng meeting hall.

Apat kaming naiwan dito. Si daddy ako si veronica at adam. Ang hindi ko maintindihan kung bakit palaging nandito si adam, na kung tutuusin ay dapat wala sya dito dahil wala naman sya sa mataas na posisyon, wala rin syang hawak na shares or project dito dahil simula nung maupo ako ay tinanggal ko na sya as CFO president.

Hindi ko naman sya mapaalis dahil kay daddy at veronica.

Walang imik na tumayo na ako.

"Do you really need to say that infront of board?" Tanong ni daddy, kaya hindi ako natuloy sa paglalakad.
"You always make me feel embarassed infront of them."

"But its true dad" humarap ako sakanya
"at kahit hindi ko yun sabihin, alam rin naman nila iyon."

"Nagtataka ka pa dyan kay lauren, daddy?" Nalipat ang tingin ko kay adam na mababakas ang galit sa reaction nya.
"Wala naman yang ibang ginawa kung hindi sirain tayo."

"Pwede ba huwag kang sumabat?" Sabi ko sakanya.
"Usapan ito ng matatalino." Umigting ang panga nya. Inayos ko ang blazer ko
"Tyaka wala akong sinisira sayo, adam. Ikaw ang sumira sa sarili mo. And the moment na pinanganak ka ng nanay mo sa pagiging kabit, sira ka n-"

"Lauren-" saway saakin ni daddy.
Nilingon ko lang si daddy. Kinuha ko na rin ang bag ko saka ako nag lakad palabas ng meeting hall.

Tumuloy ako sa office ko. Tinapon ko ang bag ko sa sofa bago ako tumuloy sa mini ref para kumuha ng wine.

Nag salin ako ng wine sa wine glass at nag lakad papunta sa terrace.

Agad akong sinalubong ng malakas na hangin.
Mga busina ng mga ibat ibang sasakyan ang naririnig ko mula sa busy street ng city.

Pumunta ako sa table at pinatong ang wine ko doon.
Tumingin ako sa loob ng marinig ko na parang may pumasok.

Napakunot ang noo ko ng makita ko si veronica na pumasok sa pinto. Muli kong kinuha ang wine at bumalik sa loob.

"Anong ginagawa mo dito?"
Seryosong tanong ko sakanya.

"Naiwan mo." Inabot nya saakin ang folder. Ito yung folder na naglalaman ng aproval signature ko sa project.

My Rival's FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon