Pagkababa ko ng gamit ko sa sofa dumeretso ako sa kusina para kumuha ng alak. Kumuha rin ako ng baso saka nag salin.
Naglakad ako papuntang terrace
Natatanaw ko ang mga tao na nageenjoy pa rin kahit madaling araw na. Nasa 8th floor lang ako ng hotel kaya kitang kita ko pa rin sila dito.
Pagkatapos ko ubusin ang alak pumasok na ako sa loob para makapag ready rin para matulog.
•
"Pababa na ako." Pagkasabi ko nun pinatay ko na ang tawag. Pagkasuot ko ng sneaker ko kinuha ko na ang bag ko saka naglakad palabas ng room.
Paglabas ko sakto namang lumabas rin si veronica at adam sa kwarto nila na limang pinto ang layo mula sa kwarto ko.
Kagaya ko ay natigil rin sila pagkakita saakin. Hinawakan ni adam si veronica sa bewang bago naglakad palapit sa elevator.
Nagiwas ako ng tingin kay veronica na nakatingin saakin habang naghihintay sa pagbukas ng elevator.
Napabuga ako ng hangin bago ako naglakad palapit sakanila. Pumuwesto ako sa likod nilang dalawa.
Kinuha ko ang glasses ko at sinuot ito.
Buti na lang at hindi na ako masyadong binubwesit ni adam. Simula nung puntahan ko sya sa opisina nya tungkol sa pinaplano nyang pagnanakaw ay medyo nabawasan ang pagtatalo namin. Siguro takot rin syang malaman ng tao ang tungkol sa ginawa nya. Oras kasi na malaman yun ng board for sure na mapapatalsik sya sa company at hindi na muling makakaapak pa. Pasalamat sya dahil kahit papaano naaawa pa ako sakanya.
Tuluyan ng bumukas ang elevator at gaya ng inaasahan ay siksikan rin ang tao sa elevator. Ang isa ay empleyado namin at ang iba naman ay tourist.
Pumuwesto ako sa tabi ni veronica at since siksikan na ay dikit na dikit ang braso ko sakanya.
May babae ring nakatayo sa tabi ko sakabilang side kaya hindi ko magawang umusog.
Dapat pala hindi na lang ako sumakay.
Shet.
Tinignan ko ang babae, nakatingin rin pala ito saakin. Ngumiti ito saakin kaya hindi ko rin maiwasang ngumiti pabalik.
Maganda sya at sa tingin ko may lahi itong italian. Mas labas kasi ang pagiging foreign nya.
Nakaramdam ako ng kamay na humawak sa kamay ko at pilit akong hinihila. Alam ko na si veronica iyon. Pasimple kong binawi ang kamay ko sakanya at nag crossed arms.
Tumunog na ang elevator kaya nauna na akong lumabas.
"Hey." Agad akong natigil dahil sa tumawag saakin. Pag lingon ko nakita ko yung babaeng katabi ko kanina. "Selena." Nilahad nya ang kamay nya saakin. Ngumiti ako bago ko ito kinuha.
"Laurent kent." Napangiti sya.
"Nice name." Nakangiting sabi nya.
"Where you going?" Tanong nya.
"Can i join with you?" Tanong nya saakin. Ngumiti ako.
"Im going to eat breakfast with my family." Sabi ko sakanya. Tumango naman sya.
"Ah okey. Pero may gagawin ka ba mamaya after?" Tanong nya saakin. Napaisip ako dahil mamaya kasi ay aattend kaming party ng kaibigan ni daddy.
Pero gabi pa naman yun kaya may free time pa naman ako.
"Wala naman."
Lumawak ang ngiti nya.
"That good. Sali ka nalang saamin mag snorkling with my friends." Napaisip ako. Hinawakan nya ang kamay ko. "Please? Dalawang oras lang." Napangiti ako dahil ang adorable nya tignan.
"Yeah sur-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si veronica. Pumagitna talaga sya saamin ni selena.
"No." Maawtoridad at seryosong sabi ni veronica kay selena.
