012•

8.9K 196 14
                                        



"Huling pagkakataon na lang ito miguel. pasalamat ka kay lauren dahil sya ang kumausap saamin tungkol dito." Sabi ni maam vasquez kay daddy.
"Ilang beses ka na nyang sinalba mula sa pagkakalugmok." Dugtong pa ni maam vasquez.
Nag sitanguan naman ang iba pang investor.
Naandito ako ngayon dahil yung ang pinakiusap nila saakin. Oras daw na hindi ako sumipot dito ay hindi nila tatanggapin ang pakiusap ko. Kaya ngayon pinilit kong pumunta kahit ayaw ko pa sana.

Walang pakialam lang akong nakikinig sakanila habang nilalaro ang ballpen sa kamay ko.

"Makakaasa kayo." Sagot ni daddy.

"Siguraduhin mo lang miguel, dahil sa susunod hindi ka na namin pagbibigyan kahit si lauren pa ang lumapit saamin. 3 is enough." Sabi naman ni tito lindon.

Tumayo na silang lahat at sabay sabay na umalis.
Sa ngayon kaming apat na naman ang naiwan dito sa meeting hall.

Walang imik na tumayo na rin ako para umalis na rin.
Pag dating ko sa may pinto natigil ako.

"Anak maraming salamat-"

"Wag ka sakin magpasalamat. Kay mommy ka magpasalamat, dahil sya ang nagkumbinsi saakin na gawin to." Walang emosyong sagot ko.
"Pasalamat ka at mabait si mommy na kahit nagawa mo syang lokohin ay inaalala ka pa rin nya. Pasalamat ka dahil kung hindi dahil sakanya baka sa kangkongan ka na pupulotin this time."
After ko yung sabihin ay nag lakad na ako palabas.

Sumakay na ako ng elevator at mag sasara na sana ito ng biglang may kamay na pumigil kaya muli itong bumukas. Bumungad saakin si veronica tumabi ako sa gilid ng pumasok sya. Kinuha ko ang salamin ko sa bag at sinuot ito.

Pagdating sa 18 flr muling bumukas ang elevator.
Nagulat ako sa taong nakita ko. Simula nung araw na may nangyari saamin ay hindi na ulit kami nagkita.

"Oh good timing." Sabi nya at pumasok. Nakipag beso sya saakin. Tinanggal ko ulit ang glasses ko.

"Stephen, anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko sakanya. Ito kasi ang unang beses syang napadpad dito.

"Well nag follow up lang ako sa sa condo na binibili ko." Sabi nya. "Akala ko wala ka na dito?" Tanong nya.

"May inasikaso lang ako." Sagot ko sakanya.

"Mabuti na lang at na tyempohan kita." Tumawa sya.
"Saan ka mamaya?" Tanong nya. Nag isip ako.

"Wala naman."

"My place?" Tanong nya saakin.
Nag isip ako.

"Sure." Sagot ko. Lumabas na kaming elevator. Humiwalay na si stephen.

"Text ko address." Sabi nya saka nag lakad paalis.

Pumunta na rin ako sa parking. Binuksan ko na ang sasakyan. Sasakay na sana ako pero may kamay na humila saakin at hinila ako sa kung saan. Maya maya tumigil kami sa isang sasakyan at pilit akong ipinasok.

"Ano ba?" Inis na sabi ko pagpasok nya sa driver seat. Napatingin ako sa harapan ng simulan nya ng paandarin ang sasakyan.
"Pwede ba veronica? Wala akong planong makipag talo pa sayo kaya ibaba mo na ako. Marami akong kailangang gawin." Sabi ko sakanya pero nakalabas na kami ng parking. Mukhang wala talaga syang planong ibaba pa ako. Ang seryoso nya habang nag dadrive pero mababakas ang galit nya sa aura nya.

Ano pa bang gusto nya? Binigay ko na ang lahat ng gusto nila tapos ganito pa?

"I said stop the car." Sigaw ko.

Napahawak ito ng mahigpit sa manebela hanggang sa tuluyan nya ng itabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Baba"

My Rival's FianceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon