Meron akong isang taong naiisip pero mahirap naman mag bintang ng walang ebidensya.
Sya rin ang naiisip ko dahil sya lang naman itong atat na atat na pabagsakin ako. Gusto nyang sirain ako sa harapan ng mga taong naniniwala saakin.
Naglakad ako papuntang bintana at tumingin sa labas. Tanaw na tanaw dito ang busy city ng metro manila.
Maya maya dumating na ang dalawang guard.
Pinatayo ko lang sila sa may hindi kalayuan. Maya maya ay dumating na rin si lara kasama ang messenger na parang hindi mapakali.
Base sa gesture niya mukhang alam na nya kung bakit sya nandito.
Napangisi ako bago ako lumapit sakanila.
"So mister abayon." Lumapit ako sakanila.
"Alam ko na may idea ka na kung bakit ka nandito."
Sabi ko at umikot sakanya.
"Alam mo wala naman mangyayari kung magsasalita ka ng totoo." Sabi ko.
"Kung natatakot ka, bibigyan kita ng protection." Sabi ko sakanya.
"Kung gusto mong magpakalayo layo dahil natatakot ka, bibigyan kita ng magandang buhay para sa pamilya mo." Sabi ko.
Huminto ako sa harapan nya.
"Pero kapalit nyan ang pagsasalita mo." Napansin ko na parang nanginginig ito at parang maiiyak na dahil sa takot.
"A-ano pong sinasabi nyo m-maam." Ngumisi ako dahil sumusubok pa itong mag kunwari.
Lumapit ako sa envelope at kinuha ang project na wala akong kaalam alam.
"Mister abayon, alam ko na ikaw ang naglagay nito" pinakita ko sakanya ang papeles.
"Tama ba ako?"
Umiling sya. Ngumisi ako bago ako lumapit sakanya.
"Alam mo? mabait ako sa mabait pero kung tatraydurin ako baka mapilitan akong gumawa ng hindi tama."
Sabi ko sakanya. Napalunok sya.
"Sino?"
Tanong ko. Napansin ko na sobra na ang panginginig nya.
"SINO..."
Galit at malakas na sigaw ko sakanya. Tuluyan na syang naiyak at lumuhod sa harapan ko.
Pati ang ibang kasama namin napatayo sa pagkakaupo
"M-maam p-pasensya na po kayo, n-apag utusan lang po ako." Pag amin nito. Napatiim baga ako dahil sa sobrang inis.
"T-tinakot po ako." Umiiyak na sabi nya.
"S-si." Napansin ko na masyado itong kinakabahan.
"Si sir adam po." Agad na napakuyom ang kamao ko dahil sa nalaman ko.
Fuckshit. Wala talaga syang ibang ginawa kung hindi pestehin ang buhay ko. Kung sa tingin nya ay mapapabagsak at masisira nya ang image ko sa mga tao, pwes nagkakamali sya. Huling huli ko na ang mga galaw nya.
"Kailan, anong oras at saan ka nya kinausap?" Tanong ko sakanya.
"Nung 17 po maam sa parking po at mga alas otso po ng umaga maam. Sa parking po ng messenger."
Inis na kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang kaibigan ko. Gusto ko na sya ang umasikaso kay mister abayon para sa safety nito at pamilya.
Kailangan ko munang mapaalis ang lalakeng ito sa company bago ko komprontahin si adam sa kasamaan nito.
"May ipapagawa ako sayo." Sabi ko kay zies.
"Mag sama ka ng tao mo." Pagkatapos kong ibaba ang phone agad na lumuhod ulit si mister abayon saakin.
"Maam please wag po, may pamilya pa po ako." Pagmamakaawa nito.
"Dont worry mister abayon, wala akong gagawin sayo. Sila ang tutulong sayo at sa pamilya mo para magpakalayo layo." Naiyak ito sa narinig.
