(7 years after)
VERONICA POV
"Mommy ang daya ni tita cassy." Naiiyak na sumbong saakin ni uno
"Hoy ikaw na bata ka, hindi kita dinaya, magaling lang ako." Asar sakanya ni cassy na sumunod pa talaga dito sa kusina.
Tumingin sakanya si uno at sinamaan sya ng tingin.
"Madaya ka." Naiiyak na sabi ni uno na tinawanan lang ng isa.
"Im not."
"Yes, you are."
"Okey, what makes you sleep honey."
Naiiling na umupo ako sa upuan at kinarga sya.
"Its okey, its just a game, baby."
"What happen to my baby boy, ahm?"
Tanong ng kakarating lang na si lauren. Umupo ito sa harapan ko at kinuha saakin si uno.
"What happen baby?" Malambing na tanong nya kay uno.
"Si tita cassy mommy, she cheated thats why i lose" Naiiyak na sumbong ni uno sakanya.
"Talaga? Dinaya ka?"
Napangiti ako.
"Hayaan mo, ako ang bahala kay tita cassy, tatalunin ko sya para sayo."
Kiniliti nya si uno kaya agad itong napatawa.
Tinupad nya talaga ang promise nya saakin na mamahalin nya si uno, kasi simula ng ipinagbubuntis ko pa lang si uno ay alam ko na mahal na mahal nya ito kahit pa hindi ito tunay nyang anak. Pantay lang ang pagmamahal nya kay bethany at kay uno.
Uno is already five years old, while bethany is already 4 years old. Ginusto talaga naming sundan agad si uno habang hindi pa kami parehas busy at habang dalawa pa kaming mag aalaga.
Nang maging okey na ang bata binaba nya na ito saka ako nilapitan.
"Hows my wife?" Tanong nya saakin bago nya ako hinalikan sa labi.
"Im fine, niluluto ko ang favorite food mo."
Sabi ko sakanya. Hinawakan nya ang kamay ko at pinulupot ito sa batok nya.
"Mommy thats enough. Akala ko po tatalunin mo si tita cassy for me?" Parehas kaming natawa ni lauren ng pumasok si uno sa kusina.
"Okey, ito na nga po." Hinalikan nya ulit ako.
"Mamaya." Kindat nya saakin kaya kinurot ko sya sa bewang.
"May flight pa tayo bukas." Sabi ko sakanya.
Uuwi kasi kami bukas ng pilipinas at ito ang unang beses na babalik kami sa pilipinas simula ng dumating kami dito.
Kahit papaano ay kinakabahan pa rin ako. Hindi ko alam kong kaya ko na bang harapin ang pamilya ko.
Pero para kay uno ay gagawin ko ito. Gusto nya rin kasing makilala ang totoong daddy nya.
Wala pa rin namang idea si adam kung nasaan kami at hindi pa nya kami nahahanap. Ang sabi nila cassy ay hanggang ngayon daw sinusubukan pa rin kaming hanapin ni adam. May kinakasama na rin ito, siguro hinahanap nya lang kami dahil alam nyang may anak sya at gustong gusto na nyang makita si uno.
Naaawa ako kay adam dahil hindi man lang nya nasubaybayan ang paglaki ng anak nya.
Kung nakinig lang kasi sya saakin noon na hayaan nya ako dahil hindi ko naman ipagdadamot si uno sakanya edi sana okey kaming dalawa ngayon.
Alam ko na kahit papaano ay magiging masaya sya na tinupad ko pa rin ang promise ko sakanya na hindi ko ipagdadamot sakanya ang bata.
Hindi kasi namin itinago ang totoo kay uno, alam nya na hindi si lauren ang totoong mommy nya pero kahit pa ganoon ay hindi naman nagbago ang pagmamahal nya kay lauren. Minsan nga feeling ko mas mahal nya pa si lauren kesa saakin.
Pero hindi naman ako nagtatampo dahil mahal nya rin naman ako, close lang talaga sila ni lauren, dahil ito ang nag alaga sakanya simula nung pinanganak ko si bethany.
