033•

8.8K 191 18
                                        



Pagdating ko sa harapan ng gate nila agad akong nag doorbell

"Nandyan po ba si veronica?" Tanong ko sa guard.

"Yes maam, pero sino po sila?"
Tanong nya saakin.

"Laurent lacson."

"Sandali maam, itatawag ko lang po."
Tumango ako sakanya. Nag dasal ako na sana wala pa silang alam para makita ko at makausap ko si veronica sa dapat naming gawin.
"Sandali lang daw po maam."

Sumandal ako sa gate nila habang hinihintay ang taong sasalubong saakin.

"What are you doing here?" Si tito
Pagharap ko sakanya agad akong napahiga sa sahig ng suntukin nya ako sa pisngi.

Ang sakit. Napahawak ako sa pisngi
Fuck feeling ko nabasag na talaga ang mukha ko.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita dito pagkatapos ng ginawa mo?" Galit na sigaw nito saakin.
"Ikaw lang pala ang dahilan kung bakit pinahiya kami ng anak ko sa maraming tao."
Naiiyak na tumayo ako. Hindi ko na rin ininda pa ang sakit na nararamdaman ko. Ang importante saakin makuha ko si veronica.

"Mahal na mahal ko po si veronica."
Gusto nya pa sana akong lapitan pero agad syang inawat ni tita.

"Umalis ka dito, hindi ikaw ang nababagay sa anak ko. Isa kang imoral." Pumasok na sya sa loob ng bahay nila.

"Tito." Muli na naman akong napaiyak.

"Yan ang napapala ng mayayabang at traydor." Hinarap ko si adam. Namamaga ang mga mata nya.

"Isa ka pa ring talunan." Sabi ko sakanya.
Tumingin ulit ako sa rehas ng gate nila veronica. Nakita ko si tito at tita na naglalakad na papasok.

"Mapapasakin na sya bukas." Asar nya saakin bago sya pumasok sa loob. Binigay nya sa guard ang hawak nyang paper bag, kaya hinatid sya nito sa loob.

Napakuyom ako ng kamao ko. Sumilip pa ako sa loob ng rehas bago ako naglakad papunta sa kotse ko pero muli akong tumingin sa gate ng marinig ko itong bumukas.

Nakaramdam ako ng sobrang kasiyahan ng makita ko si veronica sa labas ng gate at mahinang sinara ang gate may hawak rin syang isang envelope.

"Veronica." Mahinang tawag ko sakanya.
Tumakbo ito papunta saakin at mahigpit akong niyakap.
"Lets go." Binuksan ko ang pinto agad naman syang sumakay kaya umikot na ako sa sa driver seat.

Mabilis kong pinasibad ang sasakyan ko.
Bago kami lumiko nakita ko sila tito wilson sa side mirror na natatarantang nakatingin sa sasakyan ko. Pati si adam napansin ko na nag wawala.

Binigay ko kay veronica ang phone ko.

"Tawagan mo si zies." Sabi ko sakanya.

"Hello."

"I need backup."
Sigaw ko.

"What? What do you mean."

"Nakuha ko si veronica. Kailangan namin ng pupuntahan. Yung safe sana."

"Really? Oh my god." Hindi makapaniwalang sabi nya.

My Rival's FianceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon