03•

2.2K 96 21
                                    

LAURENT KENT POV:

"Manan-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko na si veronica pala ang nasa kusina at hindi si manang lydia.

Nakatingin rin sya saakin.

Hindi ko sya pinansin. Pumunta ako sa ref para kumuha ng red wine tyaka ibat ibang fruits, nilagay ko ito sa tray bago ko ako lumabas.

Ramdam ko ang mga tinginan saakin ni veronica, pero hindi ko na sya pinansin.

Tumuloy ako sa swimming pool, pagkalatag ko ng tray sa floor sa tabi ng pool tumalon na ako sa swimming pool.

Nakailang pabalik balik ako hanggang sa makaramdam ako ng pagod.

Lumangoy ako papuntang tabi saka ko inangat ang katawan ko para maupo sa tabi ng wine ko. Hinawi ko muna ang buhok ko bago ako nag salin ng red wine sa glass.

Pinakot ikot ko ang alak sa baso bago ako sumimsim.

That adam.

Sya na lang talaga ang dahilan kung bakit kami nag aaway ni daddy. Pero kung inaakala nya na magpapadala ako sa galit ko ay nagkakamali sya.
Hindi ako aalis sa buhay ni daddy.

Muli akong simimsim ng wine.

Nagulat ako ng may biglang tumalon sa pool, at sa likod pa lang alam kong si adam ito.
Napairap ako.

Pati ba naman dito.

Para tuloy akong nawalan ng gana.

Nakailang pabalik balik rin sya sa pool bago sya umupo sa kabilang side ng pool, magkaharap kami.
Maya maya lang dumating ang fiance nya dala ang bathrobe at fruits na nasa tray.

Hindi ko na lang sila pinansin. Muli akong lumusong sa tubig, inisang lagok ko ang wine na nasa baso saka ako lumangoy. Nakailang pabalik balik ako bago ko hinayaang lumutang ang katawan ko sa tubig.
Pumikit ako para damhin ang lamig ng tubig na yumayakap sa katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang lamig dahil naka 2 piece lang ako.

Sumipa ako ng sumipa ng hindi ko iniisip ang mangyayari.

Hanggang sa naramdaman ko na tumama ang ulo ko sa malambot na bagay. Nag mulat ako ng mata saka ako umayos para tignan kong sino ang nabangga ko.

Its veronica.

Nakaupo sya gilid habang nakaloblob ang mga paa nya sa pool. Sa binti nya pala ako tumama.

Ginala ko ang paningin ko para hanapin si adam, pero hindi ko sya nakita. Nasa loob siguro.

Tumayo ito pero sa hindi inaasahan nadulas ito dahilan ng pagkalaglag nya sa tubig.

Tanga.

Lumayo ako saka tumalikod para lumangoy ulit, pero napansin ko na masyado syang maingay lumangoy kaya muli akong humarap sakanya.

Agad akong nakaramdam ng kaba ng pamansin ko na parang nalulunod ito.

Hindi ko alam pero parang may tumulak saakin na tulungan sya. Mabilis akong lumapit sakanya saka ko sya iniahon sa tubig.

Kung tutuusin pwede ko na lang syang hayaang malunod, para pag namatay sya wala ng tutulong kay adam. pero hindi naman ako masamang tao para hayaang mangyari yun.

Agad nyang pinaikot ang braso nya sa leeg ko. Agad ko ring hinawakan ang bewang nya para alalayan sya.

Rinig at ramdam ko ang hininga nya sa leeg ko dahil sa pag habol nya ng hininga.

Hinayaan ko lang muna syang makabalik sa tamang pang hinga nya bago ko sya dinala sa may pangpang.
Sa kakakampay nya kasi kanina nakaabot na sya sa may malapit sa gitna, kung saan sobrang lalim na.

My Rival's FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon