Pag dating ko sa bar, agad akong pumunta sa counter. Nakita ko si veronica na tulog at binabantayan ng isang lalake. Naka uniform ito kaya sure ako na ito yung nakausap ko kanina sa telepono.
"Miss lauren?" Tanong nya saakin. Tumango ako bago ako lumapit kay veronica.
"Yes. Bayad na ba lahat ng bill nya?" Tanong ko.
"Hindi pa po maam." Agad kong binunot ang card ko sa wallet ko at inabot dito. Kumuha rin ako ng 5k cash para ibigay sa waiter dahil sa pag bantay nya kay veronica.
"Ito na po yung card nyo maam." Kinuha ko ang credit card ko at binigay sakanya ang 5k.
"This is for you."
"Thank you so much maam."
Inalalayan ko na si veronica patayo. Nung una ayaw nya pang sumama pero ng makilala nya ako agad syang ngumiti at yumakap saakin.
"You came." Sabi nya.
"Tara na ihahatid na kita sainyo." Inalalayan ko na sya palabas.
"I dont want to go home."
Napairap ako sa kawalan. Binuksan ko na ang kotse ko at pinaupo sya sa passenger.
"Kailangan mo ng umuwi dahil lasing ka na." Sabi ko sakanya. "Tignan mo nga yang sarili mo?" Tinuro ko sya. Yumuko lang sya at hindi na umimik.
"Hindi ka nagtitira pang uwi." Sinarado ko na ang pinto at umikot sa driver seat.
"Ayaw ko pa ngang umuwi." Mahinang bulong nya.
"Okey fine." Pag suko ko
"Saan ba kita dadalhin?" Tanong ko sakanya.
"Condo." Sabi nya.
"Saan ba ang condo mo?" Tanong ko bago ko pinaandar ang sasakyan nya.
"I dont have."
Napapikit ako. Sa condo pero wala naman pala syang condo. Ang yaman yaman nya pero wala syang condo?
"Niloloko mo ba ako veronica?" Tanong ko sakanya.
Maya maya pinalo nya ako sa braso kaya lumingon ako sakanya.
"Ano ba?"
"Nakakainis ka, bakit ba hindi ka makaramdam?" Tanong nya bago sya nag crossed arms saka sumandal sa upuan.
"Hindi ka pwede sa condo ko." Sabi ko sakanya.
Lumingon sya saakin.
"Why? Bakit nandoon ba ang lalake mo?" Tanong nya saakin. Nag uturn ako bago ko sya sinagot.
"Anong lalake? Walang nagmamayari saakin veronica kaya hindi ko sila lalake. Hindi ako nangangabit."
"Galit ka sa kabit but you had sex with me." Sabi nya na halos ikatigil ko. Buti na lang walang nakasunod na sasakyan saakin. Muli kong pinaandar ang sasakyan.
"Oh come on. Parang wala ka namang alam sa plano kong gawin veronica. Plus ikaw ang mas may kasalanan dito, dahil ikaw ang nasa relasyon"
"You seduce me."
"Iuuwi kita sainyo dahil baka mamaya may mangyari ako na naman ang sisihin mo." Sabi ko sakanya.
Lumapit sya sakin at niyakap ako sa braso.
"Ayaw ko mag aaway lang kami ni adam."
Sabi nya. "Ayaw nyang umiinom ako."
"Yun naman pala e, so bakit ka uminom?"
Hindi sya umimik.
"Okey fine. Sa condo ka na magpalipas ng gabi." Dahil sa sinabi kong iyon ngumiti sya at kumalas sa pagkakayakap saakin.
•
"Dito ka matulog" sabi ko saka binuksan
ang guest room. "VERONICA." Tawag ko sakanya ng pumasok sya sa kwarto ko. Napakamot ako sa ulo ko sa sobrang inis. Sinarado ko ang guest room at sinundan sya sa kwarto ko. Nadatnan ko syang nakaupo doon habang tinatanggal ang suot nyang alahas at heels.
"Sa guest room ka." Muli kong sabi pero parang wala syang narinig na naglakad lang papasok ng cr.
