023•

3.3K 99 4
                                    



"Tito frank." Lumapit ako kay tito frank.
"Happy birthday tito."
Bumeso ako sakanya.

"Thank you hija. How are you?" Tanong nya saakin.
Ngumiti ako sakanya.

"Im doing fine tito."

"Mukha nga hija. You look so gorgeous tonight."
Ngumiti ako sakanya.
"I heard so many good news that you've been doing so well running lacson corp."
ngumiti ako sakanya.

"This is all because of board directors, tito." Sabi ko sakanya.

"Its because of your hardwork, lauren. You did everything." Hinawakan nya ako sa braso. Isa si tito franko sa isa sa mga tao na naniniwala saakin na kaya ko at kakayanin ko.

"Thank you tito." Ginala ko ang paningin ko para hanapin si veronica. Nakita ko sya kasama si adam at may kausap na dalawang matanda.

Maya maya ay lumapit sila saamin ni tito franko. Bumati sila kay tito franko.

"How are you hija? And hows your parents?" Tanong ni tito kay veronica. Ngumiti si veronica bago nya tinanggal ang tingin saakin at tumingin kay tito.

"They're okey mister william. They're staying in canada right now for business porpuses." Nakangiting sagot nya.

"Napakasipag talaga ng magulang mo." Tumawa ng mahina si tito.
"Kayo? Kelan kasal nyo? I heard na engagement party nyo na nextweek?" Kumuha ako ng wine sa waiter na nagaalok ng alak.
Sumimsim agad ako ng alak.

Lumingon saakin si veronica.

"Yes tito frank. Actually iinvite ka sana namin next week for our engagement party." Si adam na ang sumagot kay tito Dahil parang walang balak sumagot si veronica.

"Thats good hijo." Ngumiti si tito frank. "And ofcourse i promise na hindi ako mawawala sa importanteng araw nyo." Tinapik ni tito si adam sa balikat. "Congratulations adam and veronica."

"Ahm tito." Agaw pansin ko sakanila. Tumingin sila saakin. "Puntahan ko lang si mommy." Sabi ko sakanya.

"Yeah sure hija." Nakipagbeso muna ako sakanya.

Tumingin ako kay veronica saka ako naglakad papunta kay mommy.

Bakit ba palagi na lang saakin pinamumukha na ikakasal na sila?

"Okey ka lang miss?" Nagulat ako ng magsalita ang lalake sa harapan ko.

Tumingin ako sa paligid at saka ko lang narealised na nakatayo pala ako sa gitna at nakalala. Buti na lang at busy rin ang mga tao kaya naman walang nakapansin sa pagiging lutang ko.

Tumingin ako sa sa lalakeng nasa harapan ko.

"Yeah im okey. Thanks." Sabi ko. Hindi ko na rin hinintay na sumagot sya dahil nagmadali na akong umalis sa harapan nya.

Wala lang ako sa mood makipag usap ngayon.
Nakita ko na may kausap si mom kaya naman hindi na ako tumuloy pumunta sakanya.
Kumuha ulit ako ng isang wine glass sa waiter bago ako tumuloy sa garden umupo ako sa bench na napapagitnaan ng matatayog na halaman.

Napapikit ako ng maramdaman ko ang simoy ng hangin na yumayakap saakin. Napakasarap sa pakiramdam. Tumingala ako sa kalangitan at pinagmasdan ang makikinang na bituin.

Tinignan ko ang alak na hawak hawak ko. Uminom ako ulit.

"Nasa loob ang party." Hindi ko na inabala na tignan pa ang taong nagsalita sa likoran ko, dahil boses pa lang masasabi ko na kung sino ang tao na nasa likoran ko ngayon.

"Everyone is so busy talking about business." Sabi ko bago ulit uminom sa wine na hawak ko.

"Its normal to a party with full of successful people, lauren." Sabi nya bago naupo sa tabi ko.
"Diba ito ang gusto mo?" Tanong nya saakin.

My Rival's FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon