024•

2.5K 81 5
                                    



Nagising ako dahil sa sunod sunod na ring ng phone ko. Kinapa ko ang cellphone ko.

"Anak asan ka na? Breakfast is ready nandito na rin kaming lahat."

"I dont want to eat mom. Masakit ang ulo ko."
Inaantok na sagot ko sakanya. Sa totoo lang ay iniiwasan ko lang na huwag makita si adam at veronica at for sure about na naman sa engagement at kasal nila ang isa sa pag uusapan during breakfast.
Pero totoo naman na masakit talaga ang ulo ko dahil sa rami ng nainom ko kagabe.

"Why?"

"Uminom ako kagabe that why."

"What? Edi mas kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot for your hangover."

"No mom. I need to rest."

"Magpapadala na lang ako ng pagkain sa kwarto mo. Wag na matigas ang ulo. mamaya uuwi na tayo kaya dapat maging okey ka agad."

"Okey."

"Okey, bye."

Kahit ayaw ko pang bumangon ay napilitan ako para mag ready na kuhain ang pagkain na ipapadala ni mommy.

Naghilamos at toothbrush lang ako. Paglabas ko ng banyo sakto namang may kumatok kaya naman agad ko ng binuksan ang pinto.

Nagulat ako ng si veronica ang nasa harapan ng room ko at may hawak hawak na tray. Iniiwasan ko nga sya pero sya ang naandito ngayon.

"Anong ginagawa mo dit- i mean, bakit ikaw ang nagdala nyan?" tanong ko sakanya.
Niluwagan ko ang pinto at tangkang kukunin ang tray pero hindi sya pumayag.

Dere deretso lang syang tumuloy sa kusina.

"Veronica kaya ko na." Sabi ko sakanya ng inuumpisahan nya ng ayusin ang pagkain sa pinggan ko. Napakamot ako sa ulo dahil parang wala itong naririnig.

Lumapit ako sakanya at inagaw ang ginagawa nya pero natigil rin ako ng tignan nya ako ng seryoso.

"Lets eat." Sabi nya.

"Hindi ka pa ba kumakain?" Tanong ko sakanya.

"Nandito ako, paano ako kakain doon?"
Pilosopong sabi nya.

"Idi sana hindi na ikaw ang nag hatid. Meron namang staff sa hotel diba?" Naiinis na sagot ko.

Tinignan nya ako ng taimtim bago tumayo mula sa pagkakaupo. Lumapit sya saakin at hinawakan ako sa dalawang pisngi gamit ang dalawang kamay nya.

"Im sorry."
Malambing na sabi nito. Napapikit ako ng halikan nya ako sa noo.
"Lets eat."
Pinagsiklop nya ang kamay namin bago nya ako hinila paupo sa tabi nya.

Nag share lang kami sa isang plato. Sinusubuan nya lang ako.

"Sinong kasama mong uminom kagabe?" Tanong nya sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Wala." Seryoso nya akong tinignan na parang sinusuri nya ako. Natawa ako
"Wala nga." Sabi ko sakanya.
Nagiwas sya ng tingin at uminom ng tubig.

"Okey."
Nabalot kami ng katahimikan. Naubos na ang pagkain wala pa ring nagsasalita saamin. Inabot nya rin saakin ang gamot ko para sa hangover.

"Kayo ba ni adam nag set up ng engagement nyo?" Tanong ko sakanya. Umiling sya.

"My parents." Ngumiti ako ng pilit.

"Gustong gusto nila si adam." Sabi ko sakanya.

"Yeah." Walang ganang sabi nya.

"Sigurado ka na ba talaga?"

Bakit ko ba naisipang itanong ito sakanya? Tapos kapag hindi ko nagustuhan ang sasabihin nya magagalet at magseselos ako.

My Rival's FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon