04•

9.3K 255 15
                                        

LAURENT KENT POV:

"Im sorry miguel but I already need to pull out. I dont want to waste money." Sabi ni tito lindon kay daddy dito sa board meeting.
Umattend ako ngayon dahil gustong gusto kong makita si adam na nang gagalaiti sa inis oras na isa isa ng mag sialisan ang investor.
"I already warned you but you didn't listen. now what? Your company is falling down because of your decisions."

"Just give us one more chance mister sebastian and i promise na magiging maayos ang lahat." Pakiusap ni adam.

"Im sorry but no."

"Kami din, mag pupull out na rin kami. Wala ng saysay pa ang lahat ng ito." Nalipat ang tingin ko kay sir ravena. Hanggang sa sunod sunod na ngang nag si pull outan ang iba pa.

Napangisi ako.

Tumayo si dad at napasabunot.

"Ano ba ang kailangan naming gawin para lang hindi kayo umalis? Pag usapan natin ng maayos." Sabi ni daddy.

"But dad?" Protesta ni adam.

He knows.

Nagkatinginan ang mga board member.

"We want lauren. Or kung hindi man, ikaw na lang ulit ang magpatakbo." Sabi ni tito lindon.
Nangingiting napakamot ako sa kilay ko.

Poor adam.

Ako ang sigaw ng bayan.

"Pasensya ka na miguel pero nasabi naman namin sayo nung una pa lang na hindi kami sang ayon sa gusto mong mangyari."

Tumayo ng tuwid si daddy at tinignan kaming dalawa ni adam. Nag kunwari ako na wala akong pakialam. Sa totoo lang gusto kong tawanan si adam.

What a loser.

"Let me think about it first."

Minsan parang gusto ko na talagang sumbatan si daddy. Ganon na ba sya ka walang tiwala saakin para pag isipan pa nya? Ito na oh, ako na ang sigaw ng tao pero pag iisipan pa nya.
Bullshit.

"Okey. Lauren or you is the only option, miguel." Sabay sabay ng tumayo ang mga board member saka nag sialan.

Kami na lang na apat ang natitira dito, sa meeting hall.

Nagulat kaming lahat ng pagalit na tumayo si adam sa kinauupuan nya at mabilis na pumunta sa pwesto ko. Nagulat ako ng hawakan nya ako sa kwelyo ko at isinandal sa pader. Agad namang umawat si daddy at si veronica.

"Adam." Tawag ni veronica dito.

Si dad naman pilit na tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak ni adam saakin. Pero sa sobrang lakas si adam hindi nya rin matanggal.

"Anong sinabi mo sakanila ah? Alam ko na ikaw ang may gawa ng lahat ng ito." Galit na galit na sabi nya at mas lalo akong diniin sa dibdib. Imbis na matakot ngumisi lang ako.

"Anong ginawa ko?" Tanong ko sakanya.
"come on adam, matagal ko ng napatunayan ang sarili ko sakanilang lahat. Ilang beses ko ba sasabihin sayo na im good at this field? Actually im good at everything." Pang aasar ko lalo sakanya. Nagulat ako ng sakalin nya ako.

My Rival's FianceMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon