Finale

3.8K 112 18
                                    



"They're here."
Bulong saakin ni lauren.

Tinapos ko muna ang ginagawa kong pag punas sa pawis ni uno sa likod bago ako lumingon sa entrance.

Pumasok ang asawa ni adam at kasunod si adam na nagtatakang nakatingin sa mga tao. Magtataka ka talaga dahil ang mga kasama dito sa loob ay mga family member at mga close friends lang.

Wala syang idea dahil ang kinausap kamin ni lauren ay ang asawa nito.

Maya maya pa ay nagtama na ang mga mata namin. Gulat syang nakatingin saakin hanggang sa onte onteng nawala ang pagkagulat nya at tumingin kay uno.

Napalunok ako bago ako lumuhod sa harapan ni uno na nakatingin rin kay adam.

"Hes your father." Sabi ko sakanya.
"Go to him." Pinaharap ko ulit sya kay adam saka ko sya pinalakad. Pagkalapit nya kay adam agad syang niyakap ni adam.

Tahimik na umiiyak si adam habang nakayakap kay uno. Si uno naman ay niyakap rin sya pabalik.

Tumayo na ako sa tabi ni lauren, at hinawakan sya sa kamay. Ngumiti ito saakin.

Ang ibang tao ay pinapanood lang din sila. Nandito rin pala si tito miguel at si tita na mommy ni adam.


••

"Ang laki na ng bata, veronica." Sabi saakin ni adam.
Naandito kami ngayon sa garden ng restaurant dahil gusto nya akong makausap tungkol kay uno.
"Paano mo nakaya na itago saakin ang bata ng napakatagal na panahon, veronica?"
Hindi naman galit ang tono nya. Seryoso lang sya.

"Kinausap kita noon adam, na hayaan mo lang ako hindi ko ipagdadamot ang bata sayo. Pero nag matigas kayo nila daddy. Pinilit nyo akong ikasal sayo kahit na ayaw ko." Sabi ko sakanya.
"Sa tingin mo ba kung hindi ako umalis, magiging masaya ako? Makakasama ko kaya si lauren?" Natahimik sya sa naging tanong ko
"Diba hindi?" Tanong ko ulit sakanya.
"Kinailangan ko yung gawin para protektahan ko ang sarili ko." Seryosong sabi ko sakanya
"At hindi ko naman pinagdamot sayo si uno pinakilala kita sakanya, sinabi ko sakanya ang tungkol sayo. na kung tutuosin pwede ko namang wag kang ipakilala ka sakanya. pero ginawa ko pa rin dahil ayaw kong ipagkait sya sayo adam at ayaw ko ring ipagkait sakanya ang tunay nyang pagkatao."

"Masakit rin ang lahat para saakin, veronica. Akala mo ba madaling tanggapin ang lahat? Pinaniwala mo ako, niloko mo ako veronica. Akala ko okey tayo tapos sa isang iglap bigla mo na lang sasabihin saakin na hindi mo na ako mahal? Kung sana pinaramdam mo man lang saakin, sana kahit papaano maintindihan ko pa, pero hindi veronica."
Lumingon sya saakin.
"Nung umalis ka, paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko kung saan ako nag kulang, dahil ang buong akala ko nawala lang ang nararamdaman mo saakin ng kusa. Hindi ko rin naisip na may iba ka dahil palagi naman tayong magkasama at walang ibang lalakeng umaaligid sayo. Yun pala ang sarili kong kapatid?"

"Im sorry adam." Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Guilty ako sa lahat ng sinabi nya. Totoo na pinaniwala ko sya. Totoo ang lahat ng sinabi nya. Ako, ako ang may kasalanan ng lahat.

"Anyway, tapos na yun, veronica. Parehas na tayong masaya ngayon. Wag mo sanang isipin na affected pa rin ako. Gusto ko lang itanong sayo ang lahat para malinawan ako sa lahat ng mga nangyari."
Pinunas ko ang luha ko.
"Salamat dahil pinakilala mo ako kay uno. Pero may isa sana akong kahilingan."
Tumango ako sakanya.

My Rival's FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon