I suggest you to read this series BY ORDER TO AVOID CONFUSION AND SPOILERS. Still, you can read this stand alone. Ikaw na ang bahala.
CTR Series!
#1: Mad Woman (completed)
#2: Unpredictable Smile (completed)
#3: Academia Soul (completed)
#4: Inlove With An Insouciant (completed)
#5: Test of Sociopath (completed)
༛༛ ༛ ༛༺༻༛ ༛ ༛༛
New journey. New academic life. New school. New beginning.
Hello, college. Kaunting yapak na lang, kaunti na lang.
Mabilis akong naglakad patungo sa room ko. First day ngayon ng first sem. Isa ako sa ten thousands na students na nakapasa who took entrance exam for Harvestern University.
Imagine, ten thousands students?! From different schools, different countries. Gaano nga ba kaganda at kagara 'tong HU at pati taga ibang bansa dumadalo dito?
Sanay naman na ako sa mga malalaking school, but I didn't expect HU to be this wide and big. I mean yes- nake-kwento na sa'kin ni Tita Maeve at ni Mama gaano kaganda ang HU, pero malayo ang imagination ko sa reality.
Mala UST vibes din ang vibes dito. Feeling mo bumalik ka sa ninety's gen dahil sa simoy ng hangin dito e.
Madaming studyante ang nakakalat sa loob ng university. Iba't ibang klase ng studyante.
Nag kibit balikat na lang ako bago tinahak ang daan papunta sa room ko.
Hindi naman ako nahirapang hanapin iyon dahil may mga nakadikit naman na room number sa bawat pinto ng room.
Room seventeenth ako, nasa pinakataas pa. Gladly may elevator ang school.
Room seventeenth, fifth floor.
Agad kong pinindot ang fifth floor pagpasok ko sa elevator. I didn't give a damn care sa kasama kong nerd.
Mukha rin naman siyang ordinaryong studyante lang din dito. Swerte nga at hindi siksikan dito.
Mga isang minuto lang din ata ang tinagal ko sa elevator. Nagsimula ulit ako maglakad at hinanap ang room namin.
Hindi naman ako nabigo. The door is open and I can now hear loud noises inside.
Walang hiya hiya akong pumasok. Napatigil ang lahat nang pumasok ako, I didn't give a damn care.
Umupo ako sa pikaharapan, sa harap ng teachers table. I can't focus when I'm at the back, lalo na't alam kong doon naka pwesto ang mga hindi seryoso sa acads.
"Omfg. She's Lilian, right? Maddi's daughter?"
"Yea."
"Omg, ang swerte natin!"
Nilabas ko na lang ang airpods ko na na nakatago sa bulsa ng bag ko. I don't like hearing people gossiping about me.
Yes, my mom was a former student here in HU. Kilalang-kilala pa rin si Mommy hanggang ngayon kahit ilang taon na ang nakalipas so I already expected this.
I came here to study anyway, not to waste my time with things that I'm not into.
Nilabas ko ang mga librong dala ko para mag advance study na lang sa course na kinuha ko. I took a Bachelor of Science in Architecture course, since aside from reading and studying, I also love sketching ang painting- namana ko iyon kay mama.
YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
RomanceLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...