Hinila ko siya paharap sa akin. Magkasalubong ang kilay ko siyang hinarap.
"Kausapin mo ako." Matigas kong sabi.
"Hm?" Maang-maangan niyang tanong pabalik. Huminga ako nang malalim bago siya binitawan.
Nagpahatid ako sa farm nila. We both needed a fresh air to refresh our mind.
Sana ay hanggang dito na lang. Sana ay tapos na. Sana tama na 'yung isang buwan.
"Mag-usap tayo."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay bigla na lang niyang hinawakan ang pulsuhan ko at hinila ako papunta sa farm house nila.
Hinayaan ko siyang hilain ako hanggang sa marating namin ang kuwarto niya.
Narinig kong nilock niya ang door knob.
"Ang dami mong kailangang ipaliwanag." Panimula ko. Nakatitig lang siya sa'kin.
"I also don't know where to start." Sabi niya.
"Magsimula ko noong bigla ka na lang ulit nawala." Matigas kong sabi.
Biglang lumungkot ang expression niya. "Emergency again with Arabella that time, sweetie."
"Lagi namang siya e. Siya naman lagi! Naisip mo ba ako habang kasama mo siya? Naiintindihan ko naman e, pero kailangan din naman kita!"
Napakagat ako sa sariling labi dahil sa sinabi. Pakiramdam ko ay bumigat nanaman ang paligid.
"Baby... I.... I did think of you. I just don't know how to approach you after disappearing again... I don't know what to do. I was so lost, I'm sorry."
"Sorry nanaman e! Ang sakit mo naman pala e. Naiintindihan ko namang kaibigan mo siya, pero mahal mo ako diba? Nasan ka noong k-kailangan kita? Nasan ka noong alalang-alala ako sa'yo at ni isang update hindi mo maibigay? Nasan ka noong... Nagsimulang b-bumaba a-ang acads ko?" Mahaba kong sabi. Nahihirapan.
"K-kinailangan din kita..." Sabi ko at napaupo na lang sa kama habang nakatakip ang kamay sa mukha.
"I know sorry is not enough, but I want to tell that I always think of you when I'm with her. I'm more worried to you than her... I always send you foods during your lunch break, but I know that's also not enough."
Oo. Lagi siyang nagpapadala ng lunch break ko, pero lahat ng 'yon wala akong kinain dala ng tampo ko.
"I don't know how to explain anymore... Just always remind yourself that I love you. I love you, Lian, more than anyone and anything else."
Mas lalo akong napaiyak sa narinig. May hikbi na rin akong naririnig.
Bakit ba ang kalmado niya pa ring kausap sa ganitong sitwasyon? Nagagalit din ba siya? Sumisigaw din ba siya?
Nakakainis naman e. Ang bilis niya akong makuha sa iilang salita niya lang.
"But I want you to know I'm also upset about what you did."
I wiped my tears before looking at her. Namumula na ang mga mata niya na parang gusto na rin maglabas ng luha, pinipigilan niya lang.
"I told you that I'll be fine... I just want you to focus on your exam that day, but what did you do? You put me first than your studies. You know to yourself you love being on top, but why? Lian? I can handle my self." She said, calmly.
Kung ako siguro 'yan ay randam na randam na ang hinanakit ko dahil sumigaw na ako.
"Because I love you!" Mabilis kong sabi na mukhang ikinagulat niya.
Nang mapagtanto ang sinabi ay wala na sa isip ko ang bawiin iyon.
"It's not necessary to hide it anyway. I've been thinking to my self if I feel the same way... and yes." Lumapit ako sakanya. "I love you."
YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
RomanceLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...