chapter 8

5K 170 48
                                    

Hindi na niya ako pinabalik pagkatapos nang pagu-usap namin, instead she... took me in another place.

Gusto ko ng sariwang hangin, iyon ang sinabi ko sakanya at siya na ang bahala kung saan niya ako gusto dalhin.

Maglalalim na ang gabi. Nakatanaw lang ako sa bintana habang nagmamaneho siya.

Ang ganda ng araw at kalangitan. It has a shade of purple and yellow. 'Yung araw na palubog na ay nakikita rin mula dito.

Napahikab ako dahil sa antok na nararamdaman. Sinandal ko ang sarili sa upuan at pumikit.

Ang tahimik. Gusto ko sana magsalita pero nakakahiya naman. Pagakatapos niyang umamin tapos wala akong sinabi? Nakakahiya.

Ayaw ko namang isipin niyang hindi ko siya nireject pero hindi ko rin naman sinabing gusto ko rin siya– Kahit ako ay hindi ko alam sa sarili ko.

"Lian..."

"Hm?" Tugon ko at tinignan siya.

"Let's stay here for this night."

Napatingin ako sa labas. Nasa isang farm kami at may parang penthouse sa gilid bago pumasok sa farm.

Wala naman akong reklamo. Inaantok na rin ako, at magpapaalam na lang siguro ako sa mga magulang ko.

Lumabas na siya at sumunod na lang ako. Buti dala ko 'yung school bag ko, I can still study here.

I felt her presence behind me habang pinagmamasdan ang farm. May iba't ibang farm animals doon, may mga tree of fruits din. Ang organize.

"This is my farm– my family's farm." Sabi niya kaya lumingon ako at ngumiti.

Kusa kong hinawakan ang kamay niya na mukhang kinagulat niya, kahit ako pero... Heto ang gusto kong gawin.

"Inaantok na ako." Sabi ko sa mahinang boses.

Nagulat ako nang hinawi niya ang ilang hibla ng buhok kong natakpan ang mukha ko dahil sa hangin. Inipit niya iyon sa tenga ko.

"Your beauty is a symphony that captivates my soul." Sabi niya at naramdaman ko na lang bigla ang pagi-init ng mukha ko!

Umiwas na lang ako at binalik ang tingin sa farm. Nakatalikod ulit sakanya.

"Let's go." Sabi niya pagakatapos ng ilang minutong lumipas at hinila na ako.

Walang tao noong pumasok kami sa farm house raw nila. Binuksan niya lahat ng ilaw, kaya nilibot ko ang paningin ko.

Puro babasagin ang mga furnitures, malawak ang sala, at wood color ang pader.

Dumako ang tingin ko sa family picture nila.

"Stay there for a while, I'll just cook." Sabi niya kaya lumingon ako bago tumango.

Lumapit ako sa family picture nilang dalawang pintong pinagdikit na ang laki.

May kapatid pala siyang lalaki...

Nakaupo sila nung lalaki at sa likod nila ay ang mga magulang nila. Kung pagmamasdan ay masasabi kong bata pa si Professor Sullivan dito, mga highschool pa siguro siya dito.

Mukha ring mabait ang tatay niya dahil malaki ang ngiti niya sa picture, ang nanay naman niya ay walang emosyon, parang masungit.

Kamukha ni Professor Sullivan 'yung Daddy niya pero 'yung facial expression niya ay nakuha sa nanay niya. 'Yung kapatid niya ay kamukha ng tatay din nila.

Napunta naman ang tingin ko sa solo picture frame nila. May mga nakalagay sa kanilang pictures na table name plate, mga pangalan nila.

Tinignan ko agad 'yung kay Professor Sullivan. Napaawang ang labi ko dahil sa pagkamangha sa pangalan niya, ang ganda.

Academia Soul (CTR series #3)Where stories live. Discover now