"Hoy, anyare sa'yo bakit tulala ka diyan?"
Nabalik ako sa wisyo nang iwagayway ni Snow ang dalawang kamay niya sa harap ko.
"Wala, wala" Sagot ko na ikinakunot ng noo niya.
Lunch break na. I skipped my second subject– Which is my first time because of that woman.
"Kanina ka pa tahimik e, tulala pa" Nagtataka niyang sabi habang mabagal na nginunguya 'yung pagkain niya.
"Iniisip ko lang grades ko." I lied. This afternoon kasi schedule ng releasing ng grades through online.
"Okay" Sabi niya pero mukhang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
Tumunog ang cellphone ko kaya napatingin ako don.
Prof Sullivan:
What are you eating?
Bumuntong-hininga ako bago dinampot iyon at sinagot siya.
After what happened earlier, hindi ko na alam. Mas lalo akong naguluhan. Hindi ko alam paano ipapaliwanag 'tong nararamdaman ko.
Prof Sullivan:
That's unhealthy.
:Lilian
Sabi mo e
Prof Sullivan:
What did I said?
:Lilian
🤦🏻♀️
Prof Sullivan:
Learn to eat healthy foods, especially you're an athlete.
:Lilian
Okay po
Hindi na niya nireplyan ang last chat ko kaya ngiting tagumpay akong binaba ang cellphone ko.
Next week na ulit start ng training namin sa volleyball. This February ay mapuputol ulit dahil sa celebration ng valentines day.
"Sabay na tayo pumunta sa gym" Sabi niya kaya tumango na lang ako.
---------
"Lian, patulong ako"
Tinigil ko ang ginagawa at tumingin kay Dusk. She's doing the sit-ups warm up. She's struggling to get up.
Lumapit ako sakanya at lumuhod sa harap ng tuhod niya.
She started exercising, nakahawak lang ako sa tuhod niya para suportahan siya.
Sampung segundo siyang uupo kaya nakahawak ako sa kamay niya para hindi siya matumba.
"Ang ganda mo pala sa malapitan." Sabi niya na ikinangisi ko pero hindi ako tumugon.
"Break time." Rinig kong sabi ng coach namin– Professor Sullivan.
Bumitaw ako sa tuhod ni Dusk at nauna ng tumayo. Lumapit ako sa sport bag ko at nilabas ang aqua ko.
Sunod-sunod akong lumagok ng tubig dahil sa pagod at init sa katawan.
"Bagay kayo tignan ni Dusk– Kaso may masama ang tingin sa gilid." Sabi ni Snow sa tabi ko kaya napatingin ako sakanya.
YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
Roman d'amourLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...