chapter 15

4K 103 12
                                    

Monday na. Nakakapagtaka dahil pinagtitinginan nanaman ako ng mga studyante. Pamilyar ang mga titig nila.

Hindi ko nakita ang tinutukoy ni Lyric dahil hindi naman ako member doon sa group na tinutukoy niya, ayaw ko ring sumali.

"Ano meron?" Tanong ko kay Lyric pagka-upo ko sa upuan.

"Hindi mo tinignan?" Tanong niya. Umiling ako.

"Kasama ko kasi Mama ko nung nag chat ka, hindi rin ako member sa group page." Sabi ko habang inaayos ang gamit sa under table.

May pinindot siya sa cellphone niyang kung ano at maya-maya ay pinakita sa'kin.

Inagaw ko iyon sakanya at zinoom ang picture. It was me... with Professor Sullivan.

Eto 'yung nasa café kami, nakangiti ako at siya ay nakatitig sa'kin.

Nag scroll down pa ako. Ang daming taken pictures na magkasama kami, noong nasa rooftop at sa parking lot...

Tinignan ko ang caption ng post. Parang umakyat ata ang lahat ng dugo ko sa ulo after mabasa iyon.

A teacher and a student relationship? Woah... Can someone call the police.😂

Gusto ko sanang basahin ang mga comments pero inagaw na sa'kin ni Lyric ang cellphone niya. Hinarap niya ako.

"You both should deal with it." Sabi niya at tinitigan ako nang mabuti.

"Wag kang lalayo sa'kin paglabas mo. You may heard words from them." Dagdag niya.

"You're treating me like a months old, Lyric. Kaya ko ang sarili ko." Sagot ko at umirap.

Tahimik ang buong klase pero randam na randam ko ang mga titig nila sa'kin, but instead of caring, nag sketch na lang ako.

Kung anong pumasok sa utak ko, iyon ang ini-sketch ko. Ilang oras din kaming naghintay sa professor namin.

After my first class, sabay lang naming tinungo ni Lyric ang second class namin.

"Gold digger?"

"Teacher pa talaga"

Naikuyom ko ang sariling kamay dahil sa naririnig. Pinipigilan ang sarili kong magalit.

"Told you"

Nilagyan ako ni Lyric ng airpods sa magkabilang-gilid ng tenga ko habang naglalakad kami. Hindi na ako nagreklamo pa.

Nagpatugtog siya nang sobrang lakas, sakto lang para wala akong marinig sa paligid.

Pumasok ako sa room nang nakayuko. Hindi naman ako na-apektuhan sa sinasabi nila, pero bakit parang ang lungkot?

Buti nga at pumasok din naman ang professor namin. Nakinig na lang ako sa lessons at nagta-take down notes.

Discussion na lang ako makaka-iwas sa mga sinasabi nila.

Lunch time. Hindi ako kumain sa cafeteria, sinamahan ako ni Lyric sa rooftop.

Si Snow ay hindi ko pa nakikita, kahit kaninang umaga.

"Does she already know?" Tanong niya habang nakain kami. Nagkibit-balikat ako.

"Talk to her. Students might attack you."

Tinignan ko siya nang deretso sa mga mata. "Mawawala rin naman 'yan. Let them."

Umiling siya. "You don't know what they can do."

"Di rin nila alam pwede kong gawin, Lyric." Rebutt ko. Napabuntong-hininga na lang ang huli.

Panay balik ang tingin ko sa cellphone ko, umaasang magno-notif ang text niya.

Academia Soul (CTR series #3)Where stories live. Discover now