"Bumalik na raw si Professor Lee sa HU?" Tanong ko habang kumakain kami ng lunch.
Walang pasok ngayon, sinuspended ng dean namin sa hindi malamang dahilan. Wala naman kaming event ngayon, wala namang bagyo, hindi rin naman mainit.
Trippings siguro si sir
Tumango si Calliope sa naging tanong ko.
"Kamusta siya? Sino naga-alaga sa bata?" Sunod-sunod kong tanong bago tumusok ng hatdog.
"She's doing fine now. The kid is with her grandma." Sagot niya. Napatango-tango ako.
"E 'yung ano... Nakulong na ba?"
Tumango ulit siya. "He need to be in prison for years." Sagot niya. Ako naman ang tumango.
Bumalik nanaman sa isip ko kung paano ako nagselos noon... Knowing that Professor Lee suffered the most back then, than me.
Selfish.
--------------
"Sa wakas, survived ang finals... Sa scores, hindi ko alam." Bungad ni Claire pagpasok sa sasakyan namin papunta sa airport.
Ngayon na kami pupunta sa siargao dahil tapos na ang finals two days ago. Tapos next week naman ay holiday na.
Agad kaming nagtawanan dahil sa sinabi ni Claire. Tumabi siya kay Snow kaya 'yung isa napa-irap nanaman.
Si Martha ang katabi ko. 'Yung mga coaches nasa harap, gusto nga sanang tumabi sa'kin ni Calliope pero hinatak na siya ni coach Tin.
Madami pang wala. Si Gab wala pa at si Coach Daisy, 'yung iba hindi ko na maalala.
Sinuot ko na lang 'yung earbuds ko sa magkabilang-tenga bago nagpatugtog.
Ilang oras din kaming naghintay hanggang sa sabay pumasok sa bus si Coach Daisy at Gab. Agad nagsalubong ako kilay ko nang umupo siya sa tabi ni Calliope.
Hindi ako pwedeng magkamali dahil alam ko kung saan naka-upo 'yun!
I was expecting coach Daisy to stand up again kasi pinaalis siya ni Calliope, pero ilang minuto na ang lumipas, nagsimula ng umandar ang sasakyan!
Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at tinuon na lang ang atensyon sa bintana.
Dahil malamig, sinuot ko 'yung hood ng jacket ko. Gabi na, hindi ko rin alam kung bakit gabi nila naisipang bumyahe.
Para raw bukas ay mas enjoying! Psh.
Isang oras ang byahe papunta sa airlines... Actually sa airlines namin kami pupunta. Sinabi ko 'yun kay Mama since she's still the head pilot there, siya pa rin ang nagha-handle ng airline.
Kaya hindi na ako magugulat kung may pa grand entrance 'yun mamaya pagdating namin, lalo na't flight din nila parehas ni Mommy ngayon.
Pero sana ay wala kasi lalamunin ako ng hiya!
----------
Lumipas na ang isang oras. Naka-idlip nga ako at hindi ko na rin napansing ang pagdating namin kung hindi lang ako tinapik ni Martha at sinabing nandito na kami.
I stretched my arms nang makatayo si Martha. Isang bag pack at isang travel bag lang naman ang dala ko, gusto nga ni Mommy na mag maleta ako para raw hindi ako mahirapan, pero tumanggi ako.
Four days lang naman kami sa siargao.
Sinadya kong magpa huli para hindi siksikan sa kaunting space pababa sa bus. Nang makalabas na ang lahat, tsaka ako bumaba.
Nahagip ko ang sariling hininga noong may humila sa'kin pagbaba ko! Akmang sisigaw na ako pero natigilan din agad nang maamoy ko 'yung pamilyar na pabango niya.
YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
RomanceLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...