chapter 18

4.2K 119 7
                                    

We decided to sleep after nature gazing, pero hindi ako natulog, instead I called the resort's staffs while she's sleeping.

I asked for their help for my surprise to this sleeping woman on the bed. Hindi naman ako nahirapang kausapin ang mga staffs dahil alam din pala nilang birthday niya.

Funny that I also send a picture of her sleeping as a proof to them na kasama ko talaga siya so they will help me!

We decided to meet downstairs so we can talk about the preparation for tonight. Gusto ko kasing malapit sana sa waterfall since nakita ko namang may space doon.

Nag-ayos agad ako at dahan-dahang lumabas so I wouldn't wake her up. I successfully get out sa room kaya mabilis na akong naglakad papuntang elevator.

Habang naghihintay bumukas ang elevator ay nag-isip na rin ako ng mga puwedeng idagdag. Bukod kasi sa night lights for later, gusto ko ring mag add ng keneme.

I rented the area for us, may ipon naman ako. Parang wala ngang mga tao ngayon e, simula kaninang pagdating namin.

Naabutan ko ang mga staffs na naghihintay na sa'kin. Nandon na rin ang mga cookery.

I greeted them before they form a circle with me. I started saying my plans to them. Mabilis lang naman silang pakiusapan.

Ala una pa lang naman ng hapon, mga mamayang seven o'clock ang sinabi kong oras. I also asked help to them to buy materials.

Mabuti nga at mababait silang lahat e.

Isang babaeng staff ang sumama sa'kin to buy materials for the decorations. Ang resort na raw ang magpo-provide ng iba since it's their boss birthday daw.

Isang oras at kalahati rin kaming nagikot-ikot bago mabili ang lahat ng kailangan. Maga-alas tres na nang makabalik kami.

I checked the area. Nagsimula na sila.

They prefer a square table, good for two person only. Naglalagay na rin sila ng decors sa mga puno, at 'yung lights.

"Thank you talaga!" I genuinely said to them while trying to help.

Kaso naalala ko 'yung babaeng natutulog sa taas. Baka biglang magising kaya nagpaalam muna ako sakanilang babalik ako sa room to check her.

Sabi nila ay sila na raw bahala, pigilan ko na lang daw si Calliope bumaba dito.

This is exciting me! First time kong maka-isip ng surprise for someone since I'm that person who usually don't do it. Madalas na ako pa ang isurprise sa pamilya namin.

Dahan-dahan kong tinulak 'yung pinto nang tumunog iyon, sign na bukas na. Naabutan ko siyang mahimbing pa rin ang tulog.

Lumapit ako sakanya. I kissed her forehead at inayos ang pagkakatakip ng comforter sakanya.

Napagdesisyunan ko na lang kumuha ng libro at magbasa. Pumwesto ako sa tabi niya, sinandal ko sa likod sa headboard.

I took my phone. Kinuhanan ko siya ng picture at sinend sa mga magulang ko. I know they are busy kaya hindi na ako nag expect ng reply nila agad-agad.

Binaba ko ang cellphone ko sa bedside table at nagsimula ng nagbasa.

----------

Night came. Siya mismo ang nag-aya sa'kin kumain sa baba, not knowing she will receive more than just a dinner later.

Hindi ko na siya sinabihang magdamit nang maayos dahil kahit anong damit naman ay bumabagay sakanya.

After I took a shower ay nagsuot lang ako ng simpleng white long sleeved shoulder top, paired with my denim short.

Academia Soul (CTR series #3)Where stories live. Discover now