chapter 1

9.7K 195 28
                                    

Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong na survive ko 'yung apat na oras?

Anong ginawa niya? Discuss lang din. First day na first day dalawang professor na agad ang nag discuss. Jeez.

Boring naman ng buhay nila– Kidding aside.

I survived the four hours with her, pero eto si Lyric nambi-bwisit nanaman.

Sana pala mas inuna ko ng hiniling kanina na hindi mag krus landas namin neto kesa bumilis ang oras e.

"Do you have other books than it? Can I borrow?"

"Wala." Sagot ko agad. Syempre it's a lie.

Sandamakmak kaya 'yung libro ko, mostly about arts and architecture. Pero dahil nga masama ugali ko, ayaw kong ipahiram.

"Sungit. Wala ka sigurong kaibigan."

Napatigil ako sa paglalakad at naglabas nang isang malaking buntong hininga to suppress my annoyance. Pikon akong lumingon sakanya na walang emosyong nakatingin sa'kin.

"I don't need it." Madiin kong sabi at tumalikod na ulit.

Maka baon na nga ng lunch bukas para matakasan 'to.

"So you don't have any? I volunteer." Sabi niya.

"No, thank you."

"Please?"

"Lyric!" Asar na asar kong sabi, pero mukhang tuwang-tuwa pa siya. Ang sarap pingutin.

"I just need some friend, and you're the one who fitted in my standards." She said. Umirap ako bago nag pumewang sa harap niya.

"Fine. Don't just push my limits, hindi mo magugustahan." Banta ko. Napangiti naman siya at tumabi sa'kin, gladly she gave a little space na hindi magdidikit ang braso namin.

"Lyric..." Pagtawag ko sa atensyon niya, tumugon naman ito. "I hope you didn't make me us your friend just because I'm Cenatar." I said.

"I don't even know what is Cenatar." Sagot niya. I chuckled at hindi na nagsalita pa.

Dumeretso ako sa counter, nakasunod lang sa'kin si Lyric. I bought a lunch dish, half a one cup of rice lang binili ko for my rice kasi mas madami pa akong nakakain na ulam kesa sa kanin.

Madaming vacant seat, pwede naman din kasing lumabas ng school every lunch. Vacant lang ang hindi pwede.

Sigurado ay nag mall na 'yung ibang studyante since halos lahat naman yata mayayaman.

Umupo kami sa pang four seaters table. Kaharap ko si Lyric.

Ang weird talaga ng pangalan niya, gusto kong tumawa everytime I addressed her with it. Ano bang pwedeng inickname dito?

Ric? Ric will do right?

I'm not really that kind of person who loved creating people's nickname, unless I don't like that person's name.

"Lilian, I love that name." Panimula niya pagkatapos ng mahaba-habang katahimikan.

"Thanks." Sagot ko.

"Bakit ganiyan pangalan mo?" Deretsahan kong tanong pagkatapos lunukin nung nginunguya ko.

She laughed. Wala namang nakakatawa sa tanong ko?

"Weird name right? But my parents love music, so..."

"Aahh" I responded at sinabayan ng sunod-sunod na tango. "Bakit hindi na lang nila ginawang Lyrics?" Tanong ko ulit.

Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko. Happy person naman pala ito e, akala ko masungit din katulad ko.

"You're funny, you know?" Sabi niya habang tumatawa. Mabulunan sana 'to.

Academia Soul (CTR series #3)Where stories live. Discover now