chapter 11

5K 149 32
                                    

"Ano ba kayo?"

Naglabas ako ng buntong hininga sa tanong ni Snow. Isang buwan nanaman ang lumipas, love month nanaman.

Naghahanda na ang mga SSC officers ng mga clubs. Nagkataon naman na sa architecture department napunta 'yung scavenger hunts.

"Tao" Sagot ko na ikinasalubong ng kilay niya.

"I mean, kayo ni Professor Sullivan." Sabi niya. Nagkibit-balikat ako.

Ano nga ba kami? Bukod sa tao ay hindi ko alam.

"Una na ako ah!" Paalam ko bago kinuha 'yung bag ko at umalis na doon.

Gusto kong magpahangin, siguro ay pupunta na lang ako sa rooftop.

Nag elevator ako hanggang sa nineteenth floor at nag hagdan na lang papunta sa rooftop.

Pagbukas ko nung exit door ay bumungad agad ang simoy ng hangin.

Kumawala ako ng isang malalim na hininga bago lumapit sa railings. Pinatong ko ang mga braso doon.

Tanaw na tanaw mula dito ang tanawin sa baba. Mga kapwa kong studyanteng nakatambay sa garden, at mga nagta-training sa field ng soccer, at baseball.

"Invading my privacy?"

Napalingon ako sa pinagmulan nung boses. Bumungad si Dusk na nakataas ang paa sa may mga nakabaliktad na upuan sa lamesa.

May binabasa siyang kung ano sa libro.

"Nagpapahangin lang" Sabi ko. Napalingon siya sa'kin at umawang ang labi.

"Ikaw pala, Lilian." Sabi niya bago binaba 'yung librong hawak niya.

Maliit akong ngumiti sakanya bago lumapit at umupo sa may tabi niyang bakanteng upuan.

"Tambay ka na ba dito?" Tanong ko bago ilabas 'yung sketch book ko.

Maganda kasi ang kalangitan ngayon kahit medyo may kainitan pa. Gusto kong iguhit.

"Yea." Simpleng sagot niya. Tumango ako.

Tinasahan ko 'yung lapis ko bago tumingin sa langit. Pinagmasdan ko iyon bago nagsimulang gumuhit.

"Do you like Professor Sullivan?" Biglang tanong niya na ikinatigil ko.

"Bakit?" Tanong ko pabalik.

"Nothing. I just noticed that she seems... Mysterious."

Mysterious? Psh. Kung alam lang nila na pala ngiti 'yun kapag ako ang kasama.

"Ano naman?" Sagot ko at binalingan siya ng tingin.

She shrugged her shoulder bago tinuloy ang ginagawa.

Umiling-iling akong umiwas ng tingin sakanya bago finocus ang sarili sa pagguguhit.

-------

Mama:

Free ba si Calliope ngayon? Invite her for dinner.

:Lilian

Hindi ma

Mama:

Ah talaga?

*sent a screenshot*

Napa facepalm ako sa sinend ni mama na screenshot. Screenshot 'yun iyon ng convo nila ni Professor Sullivan, inviting her for a dinner, pumayag naman 'yung isa.

Academia Soul (CTR series #3)Where stories live. Discover now