"Bumalik daw si Snow"
Unang narinig ko mula kay Lyric pagpasok ko sa room.
"Nasan?" Tanong ko kaagad. Miss na miss ko 'yun kahit hindi halata!
She's been also part in my life somehow. Gusto kong malaman kung bakit bigla siyang naglaho.
"Don't know. Basta bumalik daw." Sagot niya. Cina-cram niya ata 'yung ipapasang plate ngayon.
Buti natapos ko na 'yan noong nakaraang araw pa.
"Papasok kaya siya sa training bukas?"
"Malay ko, mukha bang parehas tayo ng sport?"
"Gaga!" Sagot ko kay Lyric na ikinatawa niya. "Hindi naman ikaw ang kausap." Dagdag ko.
Napailing-iling siya na natatawa pa rin. "Kausap sarili, amputa"
"At least hindi ako weird" Rebutt ko. Maaga pa naman kaya magrereview na lang ako ng lessons para ready sa surprise quiz kung meron ngayon.
I can tell that every year you step in college, pahirap nang pahirap. Kung noong first year ako ay mabilis lang, ngayong second ay hindi na.
To the part that you really need to buy architecture rulers na tapos kailangan araw-araw mo pang dala kasi mas madalas sa room na nagpapa-drafting mga professors.
'Yung iba iisang araw lang talaga deadline, kapag binigay na sa oras ng klase niya, dapat bago ka umuwi ay naipasa mo na at tapos na.
Okay lang magpasa nang hindi mo tapos o madaming mali, basta handa kang tumanggap ng grade na hindi tataas sa fifty.
This is the life of an architecture student. Hindi ko nga alam bakit ako nag-archi, basta ang alam ko I love arts. No other than that.
And here I am, still seeking for that summa cum laude kahit sobrang hirap.
What more kapag nag engineering ako knowing that sobrang hina ng utak ko sa math?!
"Hoy, lumilipad nanaman utak mo"
Natauhan ako dahil sa biglang pagwagayway ni Lyric ng kamay niya sa harap ko.
"Ano?" Tanong ko. Umiling siya na parang natatawa.
"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?" Nagtatakang tanong ko dahil parang gusto na niyang tumawa nang malakas!
"Wala." Sabi niya at tumikhim para pakalmahin ang sarili. "Cute."
Narinig ko ang sinabi niya pero umirap lang ako sabay iwas sakanya. Nagsimula akong basahin 'yung mga hardcopies ko sa lessons.
"I still don't know why you chose her."
Bulong niya na hindi ko narinig dahil sa sobrang hina.
"Ha? Ano 'yun?"
"Wala" Sagot niya at binalik ang atensyon sa ginagawa.
Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na nagpumilit pa. Pinasok ko na lang sa utak ko ang mga kailangang ipasok na lessons.
--------
"Kanino 'to galing?" Tanong ko sa studyanteng biglang may binigay na milkshake. Pero 'yung milkshake na 'to pang mayaman.
"Special someone mo, Ate." Sagot niya na mukhang narinig ng mga nasa paligid dahil nagsimula silang mang-asar!
I felt my cheeks turn red kay umiwas ako!
"Thank you, kamo."
"Okay po!" Masiglang sabi niya at patakbo ng pumunta sa mga kaibigan niya.
YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
RomanceLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...