chapter 44

4K 96 28
                                    

TRIGGERED WARNING: ⚠️violation

⚠️THIS CHAPTER CONTAINS SOME SCENE FROM THE UNPREDICTABLE SMILE THAT MIGHT SPOIL YOU.⚠️

Isang madilim na paligid ang unang bumungad sa'kin pagkamulat na pagkamulat ko sa tulog.

Tulog ba talaga?

I groaned when I felt pain everyone in my body. Sinubukan kong gumalaw pero doon ko lang napagtanto na naka posas ang mga paa ko't kamay.

May panyo rin na siyang nakatakip sa bibig ko.

Tangina.

Ano nanaman 'to?! Ano 'to?!

Gulong-gulo na ang buhok ko dahil sa pawis. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil sa panyong nasa bibig ko.

Nilibot ko ang paningin ko. Wala ni isang bintana, tapos metal pa 'yung pinto.

Ang baho't init pa!

Ano ba 'yan, manga-adultnap na nga lang, ang che-cheap pa. Hindi man lang afford idala ako sa yayamaning bahay.

Kainis.

Pilit kong pinapakiramdaman ang posas sa kamay ko, umaasang may pag-asa akong matanggal ito.

Pero habang tumatagal naman, mas nararamdaman ko 'yung hapdi sa pagpulsuhan ko.

Putanginanyo

Sumuko na lang ako at sinandal ang likod sa sementong pader. Pinikit ko ang mga mata ko, suot-suot ko pa rin 'yung bestida ko.

Kasabay nang pagpikit ko sa dalawang mata, siyang pagtulo ng mga sunod-sunod na luha sa mukha ko.

Ma, Mommy, asan kayo?

Paulit-ulit kong tinatawag ang mga magulang ko sa isip ko habang umiiyak. Nagdasal na rin ako na sana umabot 'to sakanila.

Sana isa sa Palasyo kanina ang may alam na Cenatar ako at tinawag iyon sa mga magulang ko.

Ako lang ang nagi-isang nilang anak! I know they can't bear to lose me. I know, I trust them that they will be here later.

Please...

Napamulat ako nang bumukas ang pinto. Agad tumambad sa'kin ang isang maskuladong lalaki at may balbas pa.

Napangiwi ako sa hitsura. Mukha siyang adik.

"Gising ka na pala."

Bobo, tulog ba ako sa paningin mo?

"Gusto kang makita ni master."

Umirap ako at siniguradong nakita niya 'yun. Agad nagsalubong ang kilay niya kaya umisa pa ako ng irap.

"Aba't!" Pinigilan niya ang sarili, huminga eto nang malalim.

Lumapit siya sa'kin at tinayo ako nang buong puwersa. Sinamaan ko siya ng tingin dahil doon.

Kapre, amputa

------------------

Sino naman 'tong hayop na 'to? Tanda-tanda na, 'di na lang mag wheel chair.

Pinasadan ko ng tingin ang matandang lalaking nasa harapan ko.

He's in full black and white suit. May kumikinanginang gold wristwatch pa sa pagpulsuhan niya, tapos 'yung buhok niyang halatang naka bleach ng color black, naka gel.

Akala niyo pogi 'no? Hindi. Tansya ko nasa middle 70's na 'to, puro wrinkles na ang pagmumukha e.

"You really got her eyes." Panimula niya. Kalmado pero 'yung boses nanginginig na. Alam niyo 'yung boses ng mga 90+ old people age? Ganon.

Academia Soul (CTR series #3)Where stories live. Discover now