"Lyric, paabot nung gunting" Sabi ko kay Lyric.
Bukas na gaganapin ang event for valentines day, kaya naman todo rush kami sa paga-ayos ng mga booths.
Inabot niya naman sa'kin nang walang sinasabi.
Bumaba ako sa upuan kung saan ako nakapatong pagkatapos kong guntingin 'yung nakabitin sa white tent.
Halos lahat ay kumikilos, nira-rush lahat since open ang university for outsiders everytime na may event.
Balita ko nga ay may pa event nanaman daw next month dahil anniversary ng HU.
"Inom ka muna, Lian" Sabi nung isa kong kaklase. Simpleng tango lang sinagot ko sakanya bago kinuha 'yung inabot niyang water bottle.
Binuksan ko iyon at uminom. Nakarami pa ako ng inom hanggang sa masatisfied ako.
"Bebe mo oh" Ani ng kaklase ko sa tabi ko. Kumunot ang noo ko at nag-angat ng tingin.
I saw her walking towards our direction. Nanlaki agad ang mata ko at na-alarma bigla!
Tumayo ako at kung saan saan na lang lumingon!
"Take a rest, students."
Napakagat ako sa ibabang labi ko nang marinig ko na ang boses niya. Wala pa siya sa tapat ko pero ang bilis na ng tibok ng puso ko!– Ako ba sadya niya?
"Cenatar"
"Ha? Ah? Bakit?" Tugon ko at parang batang hindi alam ang ginagawa!
Kumunot ang noo niya as if nagtataka sa galaw ko. "Are you okay?"
Nahihiya akong ngumiti bago siya hinablot at hinila sa kung saan. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao!
"Bakit hindi ka nag message?" Tanong ko bago siya binitawan sa may field kung saan walang katao-tao.
Nasa may open space maliban sa field kasi ang mga booths malapit sa entrance.
"I messaged you but you seemed busy." Sagot niya. Nanlaki ang mata ko bago kinuha ang cellphone ko sa likod ng pants ko.
Tinignan ko iyon. May message nga siya, sabi niya ay dadalhan niya ako ng lunch.
"Sorry, hindi nag notif e." Sabi ko bago ibalik sa bulsa ko ang cellphone.
She shrugged her shoulder. "I don't mind."
Kinuha niya ang kamay ko at ipinulupot iyon sa kamay niya. Hindi na ako nagulat dahil gawain na niya ito.
Siya naman ngayon ang humila sa'kin kung saan. May dala siyang paper bag sa kabila niyang kamay.
"Aren't you afraid what people tell about us?" I suddenly asked in the middle of silence.
"Let's talk about that later."
Bumuntong-hininga na lang ako bago yumuko, hinayaan ko siyang hilahin ako.
Pumunta kami sa office niya. Sinalubong agad ako ng malamig na hangin mula sa aircon pagpasok namin.
Umupo ako sa couch niya at pinag krus ang mga hita. Tinignan niya ako nang seryoso.
"Does it really bothering you?" Seryoso niyang tanong at hinila ang swivel chair niya papunta sa harap ko. Umupo siya doon.
"Hindi naman." Sagot ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"What do you want me to do, sweetie?" She softly asked.
I gulped.
Hindi ako sumagot... Dahil wala rin akong masagot.
Ano bang gusto kong gawin niya? Wala.
Ayaw ko lang naman na kung ano ano ang isipin nila tungkol sa'min... Especially if based on our life status.
YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
RomanceLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...