Panay ang panga-asar nila sa'kin after sabihin ni Tita iyon. I changed the topic by reminding them that Ate Elaina is also taken, kaya ayon, siya na ang tinadtad ng asar at tanong.
We celebrated Lola's birthday. Pinakilala rin nila si Lola kay Calliope, ako na ang nag kwento sa ibang information ng Lola ko.
Nakalimutan kong pumunta kanina sa puntod niya, siguro ay bukas na lang nang maaga. Hindi kasi nila ako ininform na pupuntahan nila si Lola sa puntod niya!
Pero okay lang, may klase naman ako kanina kaya hindi rin ako makakasama kahit sabihin nila.
We stayed here for a while. Mamaya na raw kami uuwi.
"Your family's history is so dejected." Panimula netong kasama ko habang nasa backyard nila kami.
Totoo ang sinabi niya. Ang lungkot nga noong kinwento iyong ng magulang ko.
"Ganon talaga" Natatawa kong sabi kahit na parang nalungkot ako sa sinabi niya.
Parang may malalim siyang iniisip dahil nasa pool lang ang tingin niya. Nakasuksok ang dalawang kamay niya sa bulsa niya.
"Your family is nice." Sabi niya at parang may gustong sabihin pero hindi niya magawa.
"Sabi sa'yo mabait sila e" Sabi ko at ngumiti kahit hindi niya naman makikita.
"Can I have a hug?" Bigla niyang sabi. Pinutol ang katahimikan.
Sunod-sunod na tango ang ginawa ko. She then hold my shoulder so I can face her before hugging me.
Niyakap ko siya pabalik sa bewang niya. Siya naman ay nakayakap sa leeg ko while her head is resting on my shoulder.
Pero feel ko mangangalay siya dahil ang baba ng sinasandalan ng ulo niya. Bakit ba kasi ang tangkad neto?!
Hindi naman siya nag reklamo o gumalaw sa posisyon namin, hinayaan niya lang.
"I want to show you something tomorrow." Sabi niya. Saturday bukas, half day lang kami.
"Sige" Tugon ko.
"Hoy! Tama na 'yan! Pasok na, may after party pa raw!" Napahiwalay 'yung kayakop ko sa'kin.
Lumingon ako kay ate Elisa na nasa exit door papunta dito sa backyard nila. Nakapamewang.
"Sige!" Sigaw ko pabalik.
Tumingin ako kay Calliope para ayain siya. Tumango siya bilang tugon.
Nauna na akong maglakad papasok. Naabutan ko sila sa sala na punong-puno ang lamesa ng beer!
Jusko. Mukhang mapapasubok nanaman ako dito. Sa'ming lahat, ako kasi ang hindi umiinom.
Joke, si Ate Elaina rin pala. Peace...
"Don't drink too much." Paalala ni Tita Varsha kay Tita Maeve na takam na takam na ata makatikim ng red horse!
Mas malala nga lang kay Mama, naka dalawang baso na siya... Si Mommy ay ang sama ng tingin sakanya pero hindi naman inaawat.
We'll be staying here for tonight, except Calliope.
"Oh Calliope, sama ka" Aya ni Mama. Napasapo ako bigla sa noo ko.
Nakita ko ang pagbaling ng tingin sa'kin netong katabi ko, as if asking me for permission.
Tumango na lang ako, isang beses lang naman. "Wag mo lang sobrahan, uuwi ka pa." Paalala ko naman.
"Uuwi?" Pagsingit ni Tita Maeve. Mukhang narinig ang sinabi ko. Tumango na lang ako bilang tugon.
"Walang uuwi. May pasok naman kayo bukas diba, sabay na kayo bukas." Sabi niya na talaga namang kinagulat ko!
YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
Roman d'amourLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...