"Ang epal!" Sigaw ko nang mabaril ang gamit kong hero.
"Told you, that's weak."
"Bakit mo kasi pinatay hero ko?!" Parang batang nagtatampong saad ko.
Inaya ko siyang maglaro nung online game na uso ngayon. Hindi ko alam app name, basta inaya ko lang siya.
Ang tapang kong makipag one versus one sakanya pero ako pala 'tong matatalo...
E expert kasi siya! Parang nilalaro e!
"Wag kasiiiiii!!!!!" Sigaw ko nang muling mamatay 'yung hero ko at siya nanaman ang nakapatay. Sinamaan ko siya ng tingin na may ngising nanga-asar sa labi.
"Learn to accept your lose." Sabi niya. Hindi naman nanga-asar, parang pinagsasasabihan pa.
Sumimangot ako dahil don, at dahil nga competitive ako na ayaw malamangan, pinatay ko na ang cellphone ko kahit in game pa.
Tinalikuran ko na siya ng higa. I heard her deep sigh.
"You're not gonna succeed in life if you don't know to accept failure, sweetie." She said with her serious tone.
Napasinghap ako nang yakapin niya ako bigla sa likod ko! She encircled her arm around my waist.
"Anong hindi... Bagsak nga ako noong first." Sabi ko and trying to compose myself.
She chuckled. "See? You're not still moving on from it."
"Motivation ko kasi 'yun ngayong second." Rebutt ko ulit.
"Still... I love you but I don't tolerate that attitude of yours, hm? It's okay to be competitive, just don't let yourself got eaten by your anger just because you're losing." Dagdag niya na mas nagpahaba ng nguso ko!
Bakit ba parang nanay ko talaga siya na pinagsasasabihan ako?! Nakakainis naman. Ang dominant niya sa'kin!
Kapag talaga siya may nagawang mali, pagsasabihan ko 'to to the max. Sermon twenty four hours.
"Okay" Ang tanging nasagot ko.
"Sleep. Good night."
She kissed me on my neck na mas dumagdag sa sensasyon na nararamdaman ko ngayon! She's so good at pulling me towards her...
"Good night." Sagot ko at pumikit na.
Fuck you, Calliope. You're making me crazy inlove.
------------
"Nakakainis, gago" Bungad ni Lyric nang makaupo siya sa upuan sa harap ko.
Lunch break. Nauna ang training nila kasi may afternoon class sila.
"Bakit? Napano ka?" Tanong ko dahil base sa presensya niya ay gusto netong magdabog.
"Naalala mo nung sinabi kong ako ginawang captain ball?" Tanong niya. Tumango ako.
Siya pala ang naging captain ball ng team nila, sinabi niya iyon sa'kin noong nakaraang buwan pa.
"Against 'yung isa naming player don. Mayabang e gago, inaya niya ako one o one raw kami. Nanalo siya." Sabi niya habang shina-shake 'yung hita niya.
"Bakit ka kasi nagpatalo?" Tanong ko bago humigop sa straw ng strawberry milkshake ko.
Hindi siya sumagot. Kinuha niya lang 'yung wallet niya at tumayo, iniwan niya ako para bumili ng pagkain niya.
Ang weird talaga oh!
Tinuloy ko na lang 'yung pagkain sa kinakain ko. Nasa cafeteria kami ngayon, kaunti lang naman ang studyante kasi maaga kaming dinismiss ni Prof.
YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
RomanceLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...