Naririndi na ako ah. Kanina pa nagi-ingay ang mga studyante tungkol sa secret relationship daw kuno ni Professor Lee at Sullivan.
Nakikisama pa si Snow, naga-abang ng update nung dalawang professor, habang kami ni Lyric dito ay nananahimik na.
Napansin kong biglang natahimik si Lyric sa sinabi kanina ni Snow at parang napaisip nang malalim. Kahit ako rin naman...
"Kinikilig talaga ako!" Tili ni Snow. Sumilip ako sa tinitignan niya, picture iyon ng halikan kuno nila.
Halata namang si Prof Sullivan iyong nakatalikod dahil iyon ang damit niya kahapon. Pairap akong umiwas ng tingin doon.
Bakit ba ang bitter ko? Masiyado na ba akong nababad sa paga-aral at hindi ko na magawang sumaya sa relasyon ng iba?
Jeez. Creepy.
Mabilis kong inubos ang pagkain ko para makaalis na ako dito. Dalawang oras ang vacant namin, kaya maga-aral na lang ako sa library.
Pagkatapos ko ay uminom na agad ako ng tubig at walang paalam na umalis. Tinawag pa ako ni Snow pero hindi na ako lumingon.
Nang makalabas ako sa cafeteria ay tumakbo na ako papunta sa library. Halos lahat kasi ay may bulungan.
Next class pa naman namin si Prof Sullivan mamaya. Wednesday kasi ngayon kaya tatlo lang ang subject namin, dalawa kaninang umaga, at last iyong mamaya sakanya.
Pumasok ako sa library, buti dito ay tahimik at payapa. Wala kasing mga studyante, parang ako nga lang ang nandito sa loob.
Pumunta ako sa bookshelves kung nasan ang mga librong kakailanganin ko. Maga-advance study na lang ako sa subject niya.
Kinuha ko 'yung dalawang libro na palagi kong binabasa kapag session na namin at wala pa siya.
Umupo ako sa two seaters table at nilapag sa lamesa ang mga libro. Nilagay ko ang bag ko sa isang upuan bago nilabas ang papel at ballpen ko.
Binuklat ko ang libro sa page kung saan ako tumigil kahapon.
Nagsimula akong basahin iyon at paminsan-minsan ay nagta-take down note ako ng mga important details.
Paulit-ulit kong binabasa iyon, sinusubakan idistract ang sarili sa mga narinig kanina.
Bakit ba ako apektado? Ano naman kung may relasyon sila? Mas okay nga 'yun dahil parehas naman ata sila ng hilig.
Padabog kong nilapag ang librong hawak ko dahil sa naisip, nasuway tuloy ako nung librarian.
Nag-angat ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa'kin– hindi nga ako nagkamali.
Malamig ang kaniyang mga matang nakatingin sa'kin, may dalawang table ang pagitan namin pero magkaharap lang kami sa isa't isa.
Kanina pa ba 'to nandito? Bakit hindi ko napansin ang pagdating niya?
Ako na ang unang umiwas ng tingin dahil mukhang wala siyang balak. Naglabas ako ng isang malaking buntong hininga bago ibalik ang atensyon sa ginagawa.
Madami na rin akong na notes kaya mukhang okay na 'to. Sinara ko na ang libro bago tumayo para ibalik iyon sa bookshelves.
Pagbalik ko ay inayos ko na agad ang gamit ko. Dumako ulit ang tingin ko sakanya– na sana ay hindi ko na pala ginawa.
Napabuntong-hininga ako bago naglakad paalis doon.
Nakakainis. Bakit ba nagkaka ganito ako?
-------
Gusto kong sapakin ang sarili ko! May minememorize ako pero 'yung utak ko kung saan saan napapadpad.
YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
RomanceLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...