Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa nang walang sawang bini-bring up ni Snow ang nasaksihan kaninang umaga.
Umabot na nga 'yun kay Lyric e!
Mas lalo tuloy ako nahiyang kausapin siya.
Ang sarap din talaga minsang supalpalin 'tong si Snow dahil sa sobrang kadaldalan.
"Snow, tama na..." Suway ko kay Snow.
Well, hindi naman niya directly sinasabi sa iba na may nangyari sa'min ni Calliope, pero pinaparinggan niya kami!
Buti naman at narinig ni Snow 'yung mahinang pagtawag ko sakanya. I heaved a deep sigh.
"I'm uncomfortable." Pag-amin ko sa totoong nararamdaman sa ginagawa niya.
Nanlaki ang mata niya dahil doon at tumabi sa'kin. "Sorry! I didn't mean to."
"Okay lang, manahimik ka na" Pabiro kong banta na ikinangiti ng gaga.
Nilibot ko ang paningin dahil kanina ko pa hindi makita 'yung dalawang taong kanina ko pa hinahanap.
Calliope and Lyric.
"Nakita mo ba si Lyric?" Tanong ko kay Snow. Referring to ask my girlfriend kasi baka magsimula nanaman siya.
"Nakita ko siyang umalis kanina e. Hindi ko lang alam kung saan pumunta." Sagot niya. Tumango ako.
"Hanapin ko lang" Paalam ko kaya binitawan niya ako mula sa pagkaka-akbay sa'kin.
"Sige!" Masigla niyang tugon.
I started walking away from them. Kakatapos lang namin kumain ng breakfast, at gusto ko na sanang kausapin sa Lyric ngayon.
Mamaya kasi ay aalis na kami para pumunta sa pinaka island ng siargao para maglibot. Hanggang hapon na 'yun kaya paniguradong wala nanaman kaming oras mag-usap mamaya ni Lyric.
Hindi ko alam saan ako papunta, basta gusto kong libutin ang buong area para mahanap siya.
Ilang minuto na rin akong palakad-lakad nang makarinig ako ng dalawag pamilyar na boses.
Kumunot ako dahil mukhang naga-away sila. Because of my curiosity, lumapit pa ako lalo.
Nasa may bandang likod iyon ng mga nagtataasang puno ng buko dito sa seashore.
"Why don't you just tell her the truth?!"
Kahit hindi ko mainag nang maayos 'yung boses na 'yun, alam kong si Lyric iyong nagsalita.
"I will tell her, but not now. Can you calm down?"
It was Calliope.
Because of curiosity, I decided not to show up to them. I know eavesdropping is bad but I'm too eager to know their topic.
Who's her?
"Ako 'yung nasasaktan sa ginagawa mo. Sooner or later, we both know you will hurt her no matter what the situation is." Si Lyric.
"I know and I'm looking for the right time to tell her the truth, just not now. I can't lose her."
Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ng girlfriend ko. Posible kayang ako 'yung pinagu-usapan nila?
Ano pang hindi ko alam?
"Mark your words–"
"Lian?"
Napaigtad ako sa gulat nang biglang may humawak sa balikat ko kaya nawala ang atensyon ko sa nagu-usap.
Napalingon ako kay Martha. She's seriously looking at me, pero nung lumingon ako, napalitan iyon ng kung anong paga-alala.
YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
RomanceLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...