chapter 7

4.7K 160 18
                                    

Nalaman ni Mama ang nangyari sa'kin, sumbongera kasi si Snow! Madaldal naman 'tong si Lyric.

Iniiwasan ko ngang malaman ng magulang ko dahil alam kong magagalit sila.

After what happened in that incident two days ago, hindi na kami nagpansinan, except kapag may klase siya sa'min.

Si Lyric na rin nagpahiram sa'kin ng damit niya, which is 'yung t-shirt ng jersey niya.

Usap-usapan pa rin dito sa campus ang nangyari. Hindi ko na nga rin nakita pa 'yung limang babae.

Wala naman akong pake. What they want think about me– Good or bad, then go. 'Wag lang silang magkakamaling sabihin iyon sa'kin.

My academics is still good. Hindi ko naman hahayaang ma-apektuhan iyon kung 'yun lang ang dahilan.

"Lilian?" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. "Pinapatawag ka ni Dean after lunch break." Sabi niya. Tumango ako bago siya umalis.

Pagkatapos kong kumain ay ginawa ko ang sinabi ng babae. Pinauna ko na si Lyric sa room, gusto pa nga akong samahan e.

Pinagtitinginan ako ng mga studyante habang naglalakad ako papunta sa Dean's office. Umirap ako sa kawalan.

Kumatok ako nang tatlong beses pagdating ko. Nakarinig naman ako ng tugon kaya binuksan ko na ang pinto.

Hindi na ako nagulat nang nakita ko ang mga magulang ako– And the girl who did it with her parents. Kasama rin 'yung apat.

"Have a seat." Sabi ni Dean kaya umupo ako sa tabi ni Mommy.

Sumandal ako at pinatong ang kanang paa ko sa kaliwa. Tinignan ko 'yung babae, mata sa mata.

Nginisian ko siya because I can sense fear on her.

Mali siya ng napiling buhusan ng juice at kung ano-anong sinabi. I can defend my self, kaya rin ng magulang ko.

"So we're all here." Sabi ni Dean, pero 'yung mga mata ko nasa babae pa rin.

"We heard about what happened. I think one month suspension for Miss Cimon is enough?" Tanong niya sa mga magulang ko.

"One month? Seriously. You're not kidding anyone here, right?"

"Maddi" Suway ni Mommy. Base kasi sa tono ni Mama ay parang galit pa rin.

"One hundred million. Tatanggalin 'yang mga 'yan dito sa HU." Sabi ni Mama kaya sabay-sabay kaming napalingon sakanya– Even me.

"HU doesn't tolerate bullying before, what happened now?" Walang emosyong tanong ni Mama while straightly looking at Dean.

"So are you saying I'm at fault now, Miss Cenatar?"

"Exactly."

Tumayo si Mama at hinarap si Dean.

"Bullies deserve to be kick out here in this kind of university, but what's with your leadership? Just a suspension?"

Walang umimik sa'min, even my Mom!

"I changed my mind. Five hundred million, these girls will be kick out here– Even you." Turo niya kay Dean.

Dumaan ang takot at pangamba sa Dean namin. Umaawang ang labi niya at tila may gustong sabihin pero hindi niya natuloy.

Tumayo nang tuwid si Mama.

"All clear, right? I don't want to see your faces again here." Huling sabi niya bago niya kami hinila ni Mommy palabas doon.

Nang nasa labas na kami ay biglang bumitaw si Mommy at sinamaan ng tingin si Mama.

"Jusko ka..." Sabi ni Mommy na parang stress na stress na sa asawa.

Academia Soul (CTR series #3)Where stories live. Discover now