"Lilian!"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Snow. Lumingon ako sa direksyon niya, tumakbo ito papalapit sa'kin.
"Saan si Lyric?" Bungad niya nang tuluyan na siyang nakalapit sa'kin.
Kumunot agad ang noo ko. "Kilala mo 'yun?"
Tumango siya. "Crush ko e."
Napangiwi agad ako na ikinatawa niya. Humawak siya sa braso ko at hinatak ako para maglakad.
Papunta ako ngayon sa library para mag-aral– sana. Ibang direksyon na ang hinahatak namin ni Snow, papunta sa field.
"Saan ka ba pupunta?" Tanong ko.
"Field, nandon siguro si Lyric."
Napairap na lang ako sa kawalan dahil puro Lyric na lang ang lumalabas sa bibig niya. Napag-alaman kong kinaibigan lang pala ako neto ni Snow dahil crush niya si Lyric.
Love at first sight daw kuno. Yuckiest.
"May training ba sila ngayon?" Tanong niya.
I shrugged my shoulder. Wala naman akong pake sa buhay ni Lyric, tsk.
Dumating kami sa field, madaming studyante ang nakakalat. 'Yung iba ay may training ata sa soccer at baseball.
"Ano ba 'yan, nasan 'yun?" Reklamo niya.
"Cenatar?"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Bumungad ang isang babaeng hindi pamilyar sa'kin.
"Pinapatawag ka ni Miss Sullivan sa office niya." Sabi niya. Kumunot agad ang noo ko.
"Saan 'yung office niya?" Tanong ko. Sinabi niyang sumunod daw ako sakanya kaya nagpaalam muna ako kay Snow.
Naka sunod lang ako sa babae hanggang sa dumating kami sa faculty room.
"Nasa loob siya. Hanapin mo na lang." Sabi niya bago parakbon umalis.
Tatlong beses akong kumatok. Wala akong narinig na tugon kaya pinihit ko ang doorknob bago sumilip. Hindi naman ako nabigo nang nakita ko siya sa loob.
Pumasok ako bago lumapit sakanya.
"Pinapatawag niyo raw po ako?" Panimula ko. Tumingin siya saglit sa'kin bago kinuha 'yung plates namin.
"Give these back to your classmates."
Napangiwi ako nang makita ko ang gawa ko, pinakauna pa. Ang daming red circle! Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang seventy five sa gilid! Grade siguro namin.
Eto ang unang beses kong nakakuha ng seventy five sa mga pinapasa kong output o plate!
"Ma'am," Pagkuha ko sa atensyon niya. Hindi siya sumagot pero nagsalita ulit ako. "What do I need to improve?"
Yup! Makapal ang mukha ko kaya nagawa kong itanong iyon kahit gustong-gusto ko na umalis dahil nakakatakot ang presensya niya talaga.
After what happened in the billiards, mas lalo akong nakaramdam ng kilabot sa presensya niya.
"Ask your self." Sagot niya at sumandal sa swivel chair niya, inikot niya ang swivel chair niya paharap sa'kin kaya napaatras ako.
Ang maldita!
"Miss Cenatar..."
Tumaas ang balahibo ko nang tawagin niya ako with her low tone. Idagdag mo pang naka sandal ang dalawa niyang siko sa arm rest ng upuan niya!
"P-po?"
"I like you."
Napaubo ako sa sinabi niya! Sunod-sunod kong tinapik-tapik ang dibdib ko para matigil ang pag-ubo ko.
YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
RomanceLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...