We did it in the semi finals. YU, HU, DNU, at GDU ang final four sa ranking kaya kami ang naglalaban-laban ulit.
We had a two days to prepare bago ang sunod-sunod na laban namin after that two days, at sa two days na 'yun ay ginugol kami ng mga coaches sa training.
Pinag-aralan din namin nang mabuti ang gameplay ng mga players sa tatlong university na makakalaban namin.
And now, last game na namin for the semis. Kailangan naming ipanalo 'to dahil kami ang magra-rank one sa standing kapag nagkataon, ibig sabihin pasok na kami sa finals.
Guess what? Natalo namin ang YU, two wins and zero lose na kami. Rank two kami sa standing at rank one ang GDU na wala ring lose, pero mas mataas ang points namin kaya kami ang current rank one.
We arrived at the araneta kaninang four pm kahit six pm ang game namin. Pagdating namin ay naglalaro na ang YU at DNU. Kapag natalo ang YU ngayon, for battle for bronze na lang sila, kapag naman nanalo, sila ang makakalaban namin for finals.
Magiging rank two kasi sila after ng game kapag nanalo sila, ang GDU ay magiging rank three kapag natalo namin.
This is kinda exciting dahil magkandalapit-lapit lang ang mga scores namin and wins namin.
Pero kapag may nag tie, binabase nila iyon sa points at kung sino ang mas mataas ng decimals, 'yung team na 'yun pa rin ang makakapasok.
I'm currently wearing an airpod at nagpapatugtog para hindi ako tuluyang mabingi sa ingay. Kung gaano karami ang tao noong nagsimula ang games. Mas madami ngayong finals, at mas doble pa ang ingay.
Tahimik lang akong nanonood sa laro. Halos magda-dalawang oras na ang game pero fourth set pa lang sila.
Ang hahaba ng rally at parang ayaw nilang sukuan ang bola sa mga kamay nila. I was somehow proud of the other teams na talagang lumalaban for the awards, at binubuwis sila ng pagod para doon.
Katabi ko sa magkabilaang gilid ko si Snow at si Claire. Nasa kanan ko si Snow, at si Claire ay nasa kaliwa.
Pare-parehas kaming naka suot ng black and gray jacket na may tatak ng logo ng HU. Lahat kasi kami naka jersey na, handa na para mamaya.
Katulad ko ay nate-tense rin 'yung dalawa sa laban. Lamang kasi ang DNU sa YU, at kapag naipanalo nila 'tong fourth set, panalo na sila, pero for bronze na lang din ang DNU dahil two lose na sila.
Two more points for DNU, panalo na talaga sila. But if they won today, parang wala lang nagbago sa standing! 'Yung naglaban ngayon na DNU at YU, maglalaban lang din for bronze. Kami namang HU at ng GDU ay maglalaban na for gold.
What's the sense of the game later?
Hays.
Pero 'yun ang akala ko. Nahabol ng YU 'yung score ng DNU kaya mas lalong naging tense ang laban.
Twenty four all na, na-extend hanggang twenty six ang set point.
Pinaghawak ko ang dalawang kamay na nasa hita ko at pinaglaruan iyon, habang titig na titig pa rin sa pinapanood.
Minutes after... Panalo ang YU for the fourth set kaya may fifth set pa for the match point.
Napahinga ako nang maluwag dahil doon. Gusto ko pa ring makalaban ang YU kahit papano.
------------
Seven thirty na nagsimula ang laban namin. Mas lalong dumami ang tao! 'Yung ibang manonood ay nakatayo lang at walang upuan.
Nilibot ko ang paningin ko habang nagwa-warm up. May napaka laging banner ng GO HAVESTERN BABIES! akong nakita sa crowd na nagpangiti sa'kin. Bukod doon ay may balloons pa ng kanya-kanya naming pangalan.

YOU ARE READING
Academia Soul (CTR series #3)
Roman d'amourLove in a storm is like the fierce winds that sweep across the landscape, powerful and uncontainable. It is the lightning that illuminates the darkest corners, revealing truths in stark flashes of clarity. The thunder is its voice, echoing through t...